Kabanata 39

69 7 0
                                    

Kabanata 39

"That's right, hija," nakangiting saad ni Mrs. Wenceslao.

Agad akong napatingin kay Carliyah. Kumakain lang siya ng dessert and she seemed unbothered about it at mukha ring hindi interesado.

Si Marcus naman ang tiningnan ko ngayon at mukhang inaasahan na talaga niyang titingnan ko siya dahil nakatingin na ito sa akin.

Nagtaas ako ng kilay na ipinagkibit balikat niya.

Sina Lolo at Lola naman ay mukhang wala lang din sa kanila iyon. Maging si Ate Camille, Cody, at lahat lahat talaga. Mukhang alam na talaga ng lahat iyon, ako na lang ang hindi. Siguro isa na ring dahilan iyon kung ba't narito ang mga Wenceslao.

This is so wow!

Sa huli, napagdesisyonan ng lahat na kami nila Carliyah at Marcus ang dadalo sa kasal. Wala namang kaso sa'kin iyon dahil pupunta naman talaga ako. Ewan ko lang sa dalawa.

And was it my fault again? Kung bakit pupunta si Carliyah kahit ayaw naman talaga niya? Kasalanan ko na naman ba?

Kinabukasan ay naghanda na ako para sa kasal mamayang hapon. Sinakto ko ring ngayong araw na 'to ang day off ko para sa kasal nila.

Wearing a white semi formal dress and a pair of black strap stilettos, I am confidently walking towards the seat of Carliyah and Marcus hearing only the sound of my heels clicking on the floor.

Naupo ako sa tabi ni Marcus pero agad itong lumipat sa side ni Carliyah kaya kami na ni Carliyah ang magkatabi ngayon.

Umirap ako kay Marcus dahil feeling naman niya may gusto ako sa kaniya at takot na magselos si Carliyah dito eh mukha ngang walang pakealam itong pinsan ko sa kaniya.

Ew.

The wedding ceremony started.

Si Scarlette ay isa sa mga bridesmaids at nagtext kanina na sasabay siya sa akin papuntang reception.

Nilibot ko ang tingin ko at doon ko nakita si Calyx kasama si Elliezel. The two seems so very comfortable to each other dahil may binubulong bulong pa si Elliezel sa kaniya. Tumatango tango naman si Calyx. Nang makita niya ako ay bigla siyang umiwas kay Elliezel.

As if I cared, asshole.

Sa harapan nila ay sina Marza at Krishen na talagang naka-focus sa pakikinig kay Father.

Bigla namang nagtext si Kuya Caleb.

From: Kuya Caleb

Is the wedding done? Okay ka ba? Did you meet your friends there?

To: Kuya Caleb

I'm okay, Kuya. Don't worry. Wanna know how's Scarlette?

From: Kuya Caleb

Pakialam ko do'n? Sige na, take care.

Kahit kailan talaga si Kuya napaka-overprotective. Bente-siyete na ako't lahat tinuturing niya pa rin akong parang bata.

Malapit nang matapos ang kasal nang mapansin ko ang dalawang katabi ko.

Carliyah is watching Archie and Amira intently. Nakangiti siya pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan at panghihinayang doon. Hindi rin nakaligtas ang sakit at pangungulila sa mga ito. Her eyes is like a crystal dahil sa sobrang pamumungay nito. Wala siyang ibang ginagawa. Hindi man lang gumagalaw, talagang nakatulala siya sa harap at nanonood lang sa kasal.

Napakunot ako ng noo doon.

What's with that stare, Carliyah? Hanggang ngayon ba siya pa rin? Hindi ka pa rin ba nakaka-ahon?

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon