Kabanata 35

58 8 0
                                    

Kabanata 35

Matapos ang duty ko sa araw na iyon ay umuwi na rin ako para makapagpalit na dahil kikitain ko pa si Scarlette mamayang gabi.

Nasa loob na sasakyan pa lang at halos paandarin ko pa lang ang aking sasakyan kanina ay tumawag na naman siya, ipinapaalala ang dinner mamaya. At hindi ko na naman napigilan ang bibig ko, nasabi ang mga hindi na dapat sinasabi pa dahil wala naman din iyong kwenta.

"Nandoon si Harvey? I thought sabay sila ni Liberty? And wait, he's there right? Ano? Anong sabi? Nag-usap ba kayo?"

"Nag-usap? Nag-usap kami nila Harvey. Kumustahan lang."

"How about Calyx?"

"Bakit si Calyx? Silang tatlo, nakipag-usap sa'kin."

"Sus." Scarlette sabi niya sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko. Ano na naman? Kung ano-ano na naman ang ina-assume niya. Okay, I get it. I understand them. Pero tapos na 'yon and it's all in the past now. We're casual. We're okay.

"Katana!" bungad niya sa akin nang makarating ako sa restaurant na sinabi niya.

Kung makasigaw naman 'to parang kami lang ang tao dito eh.

"You're so loud," sabi ko.

Inirapan niya lang ako at saka inilahad ang table namin.

"I have something to tell you," panimula niya nang maka-order kami ng foods.

"Spill it," saad ko.

Humugot pa siya ng malalim na hininga bago nagsalita.

"Nakita ko 'yong Elliezel kanina... Sa parking lot sa Avenue mall."

Natigilan ako.

Itong babaeng 'to talaga hindi man lang magdahan-dahan sa mga sinasabi. Binibigla ako.

"And guess what?"

"Hindi ako manghuhula."

"Tsh! I've heard their conversation with someone. And he's seeing Calyx tonight!" she exclaimed.

"And then? What now?"

"Wala naman. Nainis lang ako sa mukha niya. Kaya ayun, muntik ko nang banggain."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What the!? You did what, Scarlette?"

"Muntik ko nang banggain," ulit niya pa.

"Muntik lang!?"

"Ano!?" natatawa siya kunwari. "You are unbelievable, Katana!"

At natawa na nga siya.

She is Scarlette Avery Zamora. My partner. My better-half. My bestfriend.

Hindi ko maiwasang alalahanin ang simula ng lahat sa amin.

Malamig ang simoy ng hangin sa California. Napapahawak na lang ako sa balat kong nadadampian ng lamig ng hangin. Malalim rin ang tingin ko sa maliwang na maliwanag na buwan at libo-libong mga bituwin sa langit.

"Aren't you going in yet?" si Kuya.

"I was about to, Kuya." sagot ko habang nasa langit pa rin ang paningin.

It's been a year since I left the Philippines. For the first two months wala akong kinontact sa kanila maski si Daddy o si Mommy. Wala akong ganang makipag-usap sa kanila.

Lugmok na lugmok ako noon, walang makausap kung hindi si Kuya. Sinasama pa niya ako sa shooting or firing range. That was Kuya's hobby. Kung sa Pilipinas ay ayaw niyang isama ako kapag nagp-practice siya, dito naman ay hindi. Siya pa mismo ang nag-recommend sa aking i-try ko iyon.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon