Kabanata 27

35 5 0
                                    

Kabanata 27

Dali-dali akong lumapit sa kanila at hinila palayo si Carliyah kay Archie.

"What the hell are you two doing!?" mariing sigaw ko na alam kong kami-kami lang din ang nakakarinig dahil sa malakas na music.

Nadedepina ang pagkagulat at takot sa mga mata nilang dalawa, lalong lalo na si Carliyah.

"Anong ibig sabihin nito, Carliyah? Ano 'to?"

"K-Katana... I will... I will tell you... I-I will explain."

Hindi ako nagsalita at tiningnan ko siya ng mariin, may halong hinanakit habang hinihintay ang sagot niya.

"N-Nagkabalikan kami ni... Arch..."
What did she just told me?

Paanong... Paano nangyari iyon? Nagkabalikan? May girlfriend si Archie eh, si Amira iyon! You've got to be kidding me.

Umiling ako.

"You're lying..." umiling siya. "You're just drunk."

Dahan dahan na naman siyang umiling ngayon, at kasabay ng pag-iling niya ang ang pagtulo ng mga luha niya.

"T-Totoo, Kat..."

And in that, I slapped her. She needs to wake up from this craziness!

"SINUNGALING!" sigaw ko sa rito na mas nakapagpahikbi sa kaniya.

Marza and Krishen tried to pull me away pero hindi sila nagtagumpay.

"Sinungaling ka, Carliyah!"

"Hindi... H-Hindi, Katana... Totoo ang sinasabi ko-" I pushed her.

Agad siyang dinaluhan ni Archie.

"K-Katana, please..."

"Isa ka pa!" sigaw ko kay Archie. "Nakikipaglandian ka dito habang yung girlfriend mo do'n ang tagal tagal nang naghihintay sa'yo!" sigaw ko. "Tapos malalaman kong may relasyon kayo nitong pinsan ko? Gago ginawa mo pa s'yang kabit!"

"Katana... Maraming tao rito," si Marza.

"Wala akong pakialam, Marza!"

"Hindi ako kabit, Katana!" si Carliyah.

Siya naman ngayon ang binalingan ko.

"Kabit ka! Ginawa kang kabit nang gagong 'yan!" dinuro ko si Archie.

"Hindi, Katana! Hindi pa sila kasal kaya hindi ako kabit!" she cried.

What!?

Gusto kong matawa. Hindi siya kabit dahil hindi pa sila kasal kaya ayos lang na makipag-relasyon siya kay Archie kahit alam nitong may girlfriend na 'yong tao? Ganon ba yun? Anong klaseng pag-iisip 'yan?

"Pumatol ka sa may karelasyon na, Carliyah! Ano ngayon ang tawag sa'yo? Makati lang? At talagang tino-tolerate pa ng mga kaibigan mo ang kalandian mo, huh?" sarkastikong saad ko.

"Excuse me, I'm just supporting Carliyah on what makes her happy." si Regine, kaibigan ni Carliyah.

"You're so stupid! You're supporting her on becoming a mistress, tang ina mo!" sigaw ko dito.

"Katana, ano ba! Wala siyang kasalanan dito!" si Archie.

"Archie! Ano ba!" si Krishen.

"Oo dahil ikaw! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng 'to,  ikaw ang puno't dulo ng lahat ng 'to, Archie! Ang galing mo! Ginulo mo 'yong taong nananahimik lang,"

I pointed somewhere pertaining to Amira.

"Kahit si Carliyah naman pala ang mahal mo?"

He shooked his head.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon