Kabanata 3
Sakto lang ang dating ko sa room namin ngayon. Mas maaga pa sana kung hindi lang dumating ang gagong Calyx na 'yon para inisin ako.
At talagang sobrang naiinis ako!
Tumingin muna ako sa bintana bago ko ilapag ang gamit ko sa armchair ko. Hindi umuulan pero makulimlim ang panahon. Though, the weather will never be a burden para sa mga training namin dahil sa gym naman. Ang pino-problema ko lang ay si Kuya na maghihintay na naman sa akin. Hindi man siya nagrereklamo, inaalala ko pa'rin na baka maistorbo ko siya sa anumang school works niya. Graduating pa naman.
Tama, I can text him na mauna na siyang umuwi at sabihin na lang sa driver na sunduin ako or I can book a grab.
"Wew! Ang aga!" Archie even whistled.
"Ba't ka andito?"
He cross his arms on his chest, acting like he was so offended on what I have said.
"Grabe! Bawal na ba akong bumisita dito? Nakaka-offend ka! Parang di tayo magkaibigan ah!" Ngumunguso pa siya habang sinasabi iyon.
I laughed in disbelief.
I cannot believe this one!
"Luh? OA! I was just asking. Kung ano-ano na iniisip mo."
"Obvious na nga tinatanong mo pa."
"Baka nakakalimutan mo, yung pinsan ko ang girlfriend mo, pero sa'kin ka laging bumibisita. Hmm?"
Inilapit ko ang ulo ko sa kaniya at pinaningkitan siya ng tingin. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"Hoy ang feeling mo!" He defended.
"Wala akong sinasabi ah?" I said while laughing.
"Crush lang." He joked.
Tumawa na rin siya. Tumalikod ako sa kaniya at inayos ang mga gamit ko sa loob ng bag ko. Nakalimutan ko na naman kagabi.
"Wala pa si Ellie?" I asked.
It took a few seconds bago siya nakasagot.
"Hindi ka na nagkukwento sa amin ah." He suddenly said.
Natigilan ako sa pag-aayos sa gamit ko. Dahan-dahan kong tumingin sa kaniya.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
He sighed.
"I know what's going on with you and your parents.
Natahimik ako doon. Maybe knows because Carliyah told him about it. I got no problem with that, he's my friend anyway. Ayoko lang na parang kinakaawaan ako.
I don't like that.
"It's not big deal, Arch." I laughed awkwardly.
"We're friends, Katana. You can rely on me whenever you're down."
"I'm okay! Sanay na ako doon. Parang 'di mo naman ako kilala." I tried to make the atmosphere light.
"'Yon na nga eh. Kilala kita. Kilalang kilala. Alam ko kung kailan ka okay at kung kailan hindi." Seryosong sabi niya.
Natahimik ako doon. Hindi ako nakapagsalita. Nag-iwas na lang ako ng tingin para maibsan ang awkwardness.
"Wow! Am I dreaming?" Si Ellie.
Thank God nandito na siya.
"Oh, Archie. Long time, no see!" Bumaling siya kay Archie ngayon.
"Parang hindi tayo nagkita noong Monday ah?" Natatawang sagot ni Archie.
BINABASA MO ANG
Escaping the Darkness
Genç KurguKatana Saphira R. Mendez is entitled as the Mendez' princess. Tinitingala at kinaiinggitan ng karamihan. Gagawin ang lahat para sa pamilya at mga kaibigang mahal na mahal niya. A living luxurious princess, ika nga nila. Little did they know, Katana...