Kabanata 4
Pagkapasok ko sa loob ng masyon ay nadatnan ko si Kuya sa sala. Nakaupo siya sa sofa at nagbabasa ng libro.
Tsh, love daw ako pero di man lang naisip na sumundo.
Sumimangot ako.
Stupid Katana, pinauna mong umuwi tapos magrereklamo ka ngayon?
Napailing na lang ako sa sariling naiisip.
"I'm home."
Binaba niya ang librong hawak niya at ibinaling ang tingin sa akin.
"Why are you so late? And you are not even answering your damn phone." Masungit na saad niya.
"I got stranded at a shed near the university. Walang palang taxing dumadaan don? At saka lowbat din ang phone ko, Kuya."
Kumunot lang ang noo ni Kuya.
"I thought you'll book a grab?"
"Eh, my phone's batt got dead nga." Nauubos na pasensyang sabi ko.
Hindi na siya nagsalita, he was just staring at me kaya nagpaalam na akong aakyat muna sa silid ko.
Ngunit bago pa ako makahakbang sa staircase ay tinawag niya na naman ako.
"Sinong naghatid sa'yo?" Masungit na tanong niya at matalim akong tinitigan. Lumipat ang tingin niya sa damit ko. Napatingin din ako doon.
Shit! Calyx's hoodie!
Kanina siguro hindi niya napansin kasi halos parehas lang din ang style nitong varsity jacket niya at nang saming volleyball players.
He probably just read what is written at the back which is Calyx's surname, Jimenez!
I can even conclude that he knew it already but he just wanted to confirm it.
"A f-friend, Kuya. Why?" I tried to act normal so he wouldn't think that I'm bothered by his question. Kahit totoo naman.
"Friend?" ulit niya pa.
I nodded and didn't say a word.
He blinked twice then continued reading his book.
Nakahinga ako ng maluwag doon. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at ni-lock iyon.
"Muntik na!" I said to myself before removing the hoodie on me.
Hinaplos ko ang nakasulat sa likod at bumuntong hininga.
Pahamak kang hoodie ka!
Hindi ko maintindihan kung ba't ganun na lamang ang kaba ko ng tanungin iyon ni Kuya. Wala namang masama sa tanong niya pero hindi ko alam kung ba't hindi ko man lang masagot ng maayos at kung bakit nag-aalangan pa akong sumagot.
Maybe because I didn't know what to call him. A friend? Really? Ni hindi nga kami close.
Well, sabi niya kaninang umaga close kami. Edi okay lang palang sinabi kong kaibigan ko siya? Pero paano kung magkakilala pala sila ni Kuya? At tanungin kung talagang magkaibigan ba talaga kami?
Hindi imposible iyon dahil iisa lang ang building ng Business Management.
Pero fourth year na si Kuya, at third year pa lang yata si Calyx? Hindi ko sure, ah. And I'm not a stalker too. Narinig ko lang sa mga kaklase ko 'no!
And wait, why am I so defensive ba?
Pagkababa at pagkababa ko pa lang ng bag ko ay dali-dali na akong nagpunta sa bathroom. I take a shower and do my skin care routine kahit na di pa nakakapag-dinner. I wear my pajamas and blow dryed my hair.

BINABASA MO ANG
Escaping the Darkness
Fiksi RemajaKatana Saphira R. Mendez is entitled as the Mendez' princess. Tinitingala at kinaiinggitan ng karamihan. Gagawin ang lahat para sa pamilya at mga kaibigang mahal na mahal niya. A living luxurious princess, ika nga nila. Little did they know, Katana...