Kabanata 37

60 7 0
                                    

Kabanata 37

"Ex-boyfriend." I corrected.

"Ex naman pala," tumawa si Dwayne.

"Na magiging boyfriend niya ulit." Mayabang na saad naman ni Calyx.

"What are you talking about?"

Inirapan niya lang ako

"Katana, let's go," si Dwayne.

"Edi umalis kayo," rinig kong aniya habang pinagmamasdan kami palayo.

Hindi ko maintindihan si Calyx. Bakit niya sinabi iyon? What is he trying to say? That he'll try to win me back? Para saan pa? Hindi ko talaga siya maintindihan. May mababalikan pa ba siya?

Siya ang nakipaghiwalay sa akin noon tapos ngayon?

Ang lakas naman ng loob niyang sabihin iyon? Is he tripping me? Again? Kasi kung oo, tang ina. Na naman? Hindi pa ba siya napapagod sa panti-trip sa akin? Na hanggang ngayon ginagawa niya pa rin? Ano naman ang mapapala niya sa'kin? Wala!

At ano na naman ba ang ginagawa niya dito?

Kunot-noo akong sumunod kay Dwayne papasok sa hospital. Marami siyang sinasabi sa akin pero hindi ko na iyon naintindihan dahil sa bumabagabag sa akin.

Umuwi ako sa bahay ng iyon pa rin ang inaalala.

Kinaumagahan ay ganun ulit. Puro trabaho lang ang inaatupag. Next week ay kasal na nina Archie at Amira. At sigurado akong three days before the wedding ay magtatawag pa si Amira ng party. Bridal shower na rin.

"Paki-check na lang ang pasyente sa Room 503, Nurse Christine. Na-examine ko na ang vitals niya at okay naman so far. Pero you have to check on her from time to time." I commanded the Nurse.

"Katana? Katana!" nagpapa-panic na sigaw ni Scarlette, kasunod nito ang mangiyak-ngiyak na si Grethel.

"O-Oh? What happened?" nag-aalalang tanong ko.

"S-Si Adrian, nawalan daw ng malay kanina... O-On the way na sila ngayon papunta dito." naiiyak na saad din ni Scarlette.

Maging ako ay hindi maiwasang mag-alala.

Ngayon lang ulit nangyari iyon. At talagang nakakapangamba. Sabi ng doktor niya sa US ay bumubuti na ang lagay niya. Kaya nakakapag-travel at nagagawa na niya ang mga gusto niyang gawin kahit papano. Naging malakas siya sa loob ng limang buwan. Wala siyang inindang sakit. Kaya ang mawalan siya ng malay ngayon, ay sobrang nakakapangamba nga talaga.

"K-Katana... P-Please check on him... Ikaw ang tumingin sa kaniya mamaya, please..." pagmamakaawa ni Grethel.

"Yes, Greth. I-I will... I will be checking on him. Calm down, okay? Everything will be fine. I assure you." alu ko sa kaniya at napayakap naman ito sa akin.

Sinabihan ko rin ang ibang mga nurse na ihanda ang emergency room na agad agad naman nilang ginawa.

"Oh, dahan dahan..." sabi ni Dwayne habang binaba si Adrian sa ambulansya.

"Check his vital signs."

At inasikaso namin si Adrian.

Matapos ng ilang minutong page-examine sa kaniya ay naging normal na ulit ang vitals niya. Nakahinga naman ako ng maluwag lalo na si Grethel.

"Tita, I think it will be better if he will stay here at the hospital for the mean time. Para matingnan ko ang lagay niya." suhestiyon ko sa Mama niya.

Tumango naman ito.

"If that will make him better. I will do it, Katana." sagot nito.

Adrian stayed at the hospital. Mas maigi na rin iyon para mas matutukan siya. At mas maalagaan din ni Grethel.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon