Kabanata 30
"Wala pa ba siya?"
Umiling si Marza bago bumuntong-hininga.
After the commotion in our house, hindi na ako nagdalawang-isip na umalis pa doon. Agad akong bumalik dito sa condo ko pag-aakalang narito na si Calyx, dahil gusto ko na agad sabihin sa kaniya lahat ng nalaman ko.
I checked the time and it's already seven in the evening.
Ang sabi niya, by five ay out na niya. Isinunod kong ni-check ang phone ko, nagbabaka-sakaling may message siya telling he'll going to be late for today for some reasons pero wala.
I typed a message.
To: Calyx
Nasaan ka na? I thought your out by five? It's 7 pm already.
__
Hintayin kita dito sa condo.
__
Aren't you going home yet?
__
Magna-nine na, Lyx.
__
Where are you?
Alas nuebe na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Calyx.
"Pupunta pa ba siya, Kat? Nine na oh."
Nilingon ko si Marza.
"B-Baka may tinatapos lang sa office. Or nagkayayaan with his friends. Baka mamaya nandito na s'ya... Uh, may lakad ka ba? You can go na."
"Hindi... wala naman. I can stay, Kat."
"Thank you, Marza."
She smiled at me.
Sinamahan nga niya ako sa paghihintay kay Calyx.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina sa mansyon. Hindi ko lubos maisip na gano'n na lamang katindi ang pinagdaanan ni Mommy. Ang pinagdaanan nila ni Daddy. Life is really this hard, huh?
But then, I remember Kuya. What did he felt about this? About everything. Kuya always loved me. Always cared for me. Siya ang tumayong ina at ama ko. Siya ang pumuna sa mga pagkukulang ng mga magulang ko sa akin. Ano kayang naramdaman niya noon? Ngayon kaya? Did he also think that he was just made by mistake? Naisip niya din ba 'yong mga naiisip ko?
Sana hindi.
I don't want Kuya Caleb to overthink like what I did. Kahit ako na lang. Bigla akong na-guilty. Dumadagdag pa ako sa iisipin ni Kuya, sa mga problema niya. Without knowing na mas mabigat pala ang dinadala niya. I hope hindi siya magtanim ng sama ng loob kay Daddy at kay Tita. Kahit na obvious naman sa pakikitungo niya sa kanila. He's too cold to them while he's so sweet to me. Sana hindi niya ginagawa 'yon dahil lang naawa o nagi-guilty siya. Sana talaga hindi.
I love my Kuya so much.
And Dylan. Nang mailabas ni Mommy lahat ng hinanakit niya... Ano kayang naramdaman ni Dylan? Sana maintindihan niya si Mommy. Sana hindi siya magalit sa kaniya. I can't bear watching him resents Mommy. Ayoko ding masaktan siya. He's too precious to be hurt. I love him so much.
I love my brothers so much.
"A-Are you okay, Kat?"
Dali-dali kong pinunasan ang mga luha kong hindi ko namalayang tumulo na pala.
I nodded.
"I'm... I'm okay, Marza."
"Are you crying because of Calyx?" inosenteng tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/248578949-288-k914319.jpg)
BINABASA MO ANG
Escaping the Darkness
Genç KurguKatana Saphira R. Mendez is entitled as the Mendez' princess. Tinitingala at kinaiinggitan ng karamihan. Gagawin ang lahat para sa pamilya at mga kaibigang mahal na mahal niya. A living luxurious princess, ika nga nila. Little did they know, Katana...