Kabanata 16

47 10 0
                                    

Kabanata 16

"The purpose of life, after all, is to live it, to taste experience to the utmost, to reach out eagerly and without fear for newer and richer experience." basa ko sa isang quote na nakita ko sa internet.

To live it? Okay, got it. Pero for what? Just for experiences? No way. I want to live for myself. Not for those damn experiences. Mas masarap mabuhay kapag para sa sarili mo, hindi for experience lang. Like what happened last night. It was one of million reasons to live for yourself. For happiness.

Napapangiti ako habang tinatahak ang daan papuntang Adamson. This is the last day of the sports meet at nakakalungkot na hindi na kami kasali. Manonood na lang.

I wear our gray Damsonian shirt to support my school.

Nagtext na rin si Carli sa akin kagabi ng makauwi ako saying she's home at tumambay lang daw sa Colgar Pub. I felt relieved kasi sa Colgar siya tumambay. We know the owner of the pub and we're close to him. Sinabi niya ring pupunta siya mamaya dito sa Adamson

"Katana!" si Ellie habang kumakaway sa akin.

Lumapit ako sa kanya habang nakangiti.

"Alone?" tumango siya.

Nakakapanibago. Hindi niya yata kasama si Dahlia? Halos araw-araw ngang sila ang magkasama nitong nakaraan. At isa iyon sa kinainisan ko.

Masama ba akong tao kapag sasabihin kong nabubwisit ako sa babaeng 'yon kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin? Nakikita ko pa lang ang mukha niya ay nasisira na ang araw ko. Hindi ko alam kung anong nakita ni Ellie dito.

Ipinagkibit-balikat ko iyon.

"Tara, manood tayo ng basketball!"

Hinila niya ako papasok sa gym. Humingi pa siya ng balloons sa mga taga AU. Maraming props ang mga manonood ngayon dahil championship. Saint William ang kalaban nila at sigurado akong magiging exciting ito.

Nasa labas pa lang ay rinig na rinig na ang hiyawan ng mga tao saa loob. Mas lalo tuloy kaming na-excite ni Ellie kaya nakipagsiksikan kami sa pagpasok at pumwesto na sa harap.

Mabilis na nag-umpisa ang laro at talagang dikit na dikit ang laban. Naka-focus ang lahat sa paglalaro at hindi man lang nagawang pansinin ang mga naghihiyawang manonood hindi kagaya sa mga nagdaang araw.

Pinanood ko si Calyx at ayun na naman siya sa paglalaro sa pang-ibabang labi niya. Nakapameywang itong naglalakad habang ang tingin ay nasa bola. Napakaperperkto ng mga panga niya at bumagay talaga sa mukha niya. Napangisi siya nang maka-score at naglabasan ang mga mapuputing ngipin niya na ikinalakas ng sigawan ng mga manonood.

Binalingan ko si Ellie na focus rin sa panonood at talagang nakikisabay pa sa pagchi-cheer.

"AU! AU! AU!"

"SPA! SPA! SPA!

"GO CALYX!"

"GO HARVEY!"

"BRYCE!!!"

"GO, GO, MIGO!!"

"LET'S GO, AU!"

"FIGHT, SPA! SPA!"

Halo-halo ang sinisigaw ng mga tao. Ngunit kahit gaano pa man kaingay ang gym ay talagang hindi natinag ang mga players at mainit pa rin ang labanan nila. 76 na ang score ng kalaban at 74 naman ang AU. Nag-tie ang score ng maka-shoot na naman ang AU.

"Ayan na, tie na! Let's go, AU!" sigaw ni Ellie sa tabi ko at iwinagayway pa ang balloon na hawak.

"Pro-AU, ah?"

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon