Kabanata 44

57 4 0
                                    

Kabanata 44

Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula nang mamatay si Adrian at kahapon din ay naihatid na namin sa kaniyang huling hantungan ngunit ang lungkot at katahimikan sa amin ay hindi pa rin natapos.

Ganun yata talaga kapag namatayan ka, kahit hindi mo kapamilya basta malapit sa'yo lalo pa't kaibigan mo at nakasama mo ng matagal ay mahirap makalimot at lalong mahirap matanggap.

Matapos ng lahat ng nangyari nang araw na 'yon ay hindi namin napag-usapan pa ang konting pagtatalo namin sa kalagitnaan ng pag-aagaw buhay ng aming kaibigan dahil wala na sa amin iyon. Madalas kaming magtatalo talong magkaibigan ngunit ngayon lang naming naranasang pagtalunan ang ganoong bagay na talaga namang napakasakit para sa amin.

"Liberty... I am okay, well not completely but I can tell that I am really fine. There's no need to worry about me. Ang asikasuhin mo ay ang nalalapit na kasal niyo ni Harvey. Next week na 'yon oh."

Isa pa 'yon. Matapos mamatay ni Adrian ay parang nawalan kami ng gana sa lahat. Sa trabaho, sa pagsasaya, at maging ang kasal ni Liberty ay mukhang hindi niya na rin napagtuonan ng pansin.

Pinakiramdaman ko sila at nanatili akong tahimik sa isang tabi.

"You know, I can... c-cancel the wedding."

"No. Don't do that. I understand that you are concerned. I understand that you are grieving for Adrian's death. But don't make that as an excuse to stop your wedding."

"Grethel..."

"Liberty, look. If Ad is still alive do you think he will let you do that? No, he won't. Iispin niya sigurong dahilan mo lang 'yan para takasan ang kasal-"

"Hindi ganun 'yon." Nguso niya.

"Naman pala. Ano pang inaarte-arte mo diyan? Hindi porket may isang nawala sa atin ay ganito na lang tayo palagi. We have to accept it and live our own lives. Continue living our lives dahil sa paraang 'yon ay matutuwa pa siya sa atin. Get that, Liberty?"

Dahan-dahan namang tumango si Liberty sa kaniya saka pilit na ngumiti.

Umirap naman ako sa kawalan at saka bugnot na bugnot na humalukipkip.

"Oh, ikaw? Ano namang inaarte-arte mo diyan?" Kunot noong tanong naman ni Scarlette ng mapansin ako.

"Pakialam mo ba?" inis na tanong ko at umismid naman siya.

"Hayaan mo 'yan, Lette at hindi ko pa nakakalimutan ang katigasan ng ulo niyan." Nangangaral na naman ang boses ni Grethel habang nakatingin sa akin.

"Ano ba kayo! Nailibing na't lahat lahat nag-aaway pa rin kayo dahil diyan?" sita naman ni Amber. "Ang kasal ni Liberty ang asikasuhin niyo. Sa 19 na 'yon 'di ba?"

Tumango lang si Liberty at wala nang nagsalita pa maski isa sa kanila.

Ang mga sumunod na araw ay naging ganoon nga ayon sa napagplanuhan. Ang kasal ni Liberty ang siyang aming pinagtuunan bukod sa trabaho.

"Sa Friday na ang wedding ni Liberty, Mom. Can you make it?"

Binisita ko si Mommy ngayon dito sa bahay nila. Nandito rin si Carliyah at abala siya sa paggawa ng kung ano sa kusina. Si Mommy naman ay mukhang problemadong nagkakalabit sa phone niya.

She sighed.

"I badly want to be there, hija. But I don't think I can make it." Hinarap niya ako. "Kailangan naming lumipad ng Tito mo papuntang Australia dahil may event na gaganapin."

"Kailan, Mom?" Takhang tanong ko pa.

"Mamayang gabi na at sa Friday ng umaga ang uwi namin."

"Makakahabol pa naman. Five p.m. naman ang kasal niya dahil beach wedding, sinasakto sa sunset. I think may time pa naman kung gusto mo talaga."

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon