Kabanata 26

39 6 0
                                    

Kabanata 26

Nakatulog agad ako pagkauwi ko sa condo dahil bukas, puspusan ang pag-aaral ko para sa final examination. Nakakatakot bumagsak, lalo na kapag hindi tumatanggap ng disappointment ang pamilyang kinabibilangan mo. Mas mabuti lang mag-drop out na lang kesa bumagsak.

Mas nakakahiya kasi 'yon.

Hindi ko na rin nagawang i-text si Calyx kagabi dahil nahihiya ako sa inasal ko kanina. Ako mismo ay hindi maintindihan ang sarili ko. Bakit ko nagawa 'yon? At bakit ako nasasaktan sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita niya sa akin?

"Why do you want to become a doctor? As far as I know mahirap at matagal ang med eh." si Amira.

"Ewan ko, basta gusto ko lang. Ikaw? Ba't ka nag-business?"

Natahimik siya.

"Kat... ayaw niya ng tinatanong siya tungkol sa course niya." si Arch.

I raised one of my brows.

"Ganon? Ang OA mo naman pala."

"Tss. You act like my cousin! Ang prangka." she pouted.

"Hindi naman," saad ko.

"You know, the first time I saw you I can see her in you, eh. Attitude-alike. For sure magkakasundo kayo no'n kapag nagkakilala kayo. She wants to become a doctor too."

"Really? But I don't think makakasundo ko ang ka-ugali ko." I laughed.

Sa araw na iyon ay wala akong natanggap na message galing kay Calyx. Siguro dahil na rin kagabi. Kaya ako na ang nag-first move.

To: Calyx

Nasaan ka?

It took five minutes before he replied.

From: Calyx

At office. First day of OJT, Kat. Sorry if I didn't text you today. Just really busy. Babawi ako, I promise.

Nanatili ang tingin ko doon sa message niya. OJT na niya. That means, mas magiging busy na siya sa mga susunod pang araw. Ayos na rin siguro 'yon, huwag na muna kaming magkita muna. Baka mailang lang din ako at may magawa na namang hindi maganda.

Hindi ko na siya ni-reply-an at nagfocus na lang sa pagre-review. Ngunit kahit anong gawin ko ay walang pumapasok sa utak ko kaya inis kong sinara ang mga libro ko.

Maya-maya pa ay nagvibrate ulit ang phone ko.

From: Calyx

What are you doing? Are you busy? Review?

Gaya sa naunang mensahe niya, tinitigan ko lang iyon at hindi nag-abalang magtipa ng mensahe sa kaniya.

From: Calyx

Katana, are you okay? Are we okay? May problema ba tayo?

Natigilan ako doon. Kumirot ang puso ko at nanlamig ang aking palad. Nabitawan ko ang phone ko dahil sa mensahe niya.

From: Calyx

Please tell me, aayusin ko.

Sa linggong iyon din ay pinapauwi ako ni Kuya sa mansyon. Maging siya ay uuwi din daw dahil nami-miss ang atmosphere doon.

"Magti-thid year ka na next school year, ah?"

"Oo, bakit?"

"You're leaving, soon..."

Sinulyapan ko si Kuya.

"Tagal pa. I'm bracing myself for that, Kuya. And What do you mean "you're"? Are you not coming?"

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon