Kabanata 11
Nang makauwi kami sa bahay ay wala na akong ibang ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto ko. Hindi na rin ako inistorbo ng mga kasambahay dahil napansin nila ang pananahimik ko kaninang umuwi kami.
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa restaurant. Lalo na yung babaeng kasama nila Calyx kanina. She's not familiar with me and I don't think I've already seen her. Hindi rin siya kilala ng mga tao kanina doon sa restaurant so maybe she's new?
Agaw pansin rin ang pagiging close niya kay Calyx tapos 'yong lalaking 'yon hindi man lang pinagtuuan ng pansin? Nakita ko siyang sinusuklian ng tipid na ngiti ang babae kanina pero parang iritado parin siya. At ang nakakapagtaka lang ay hindi naman siya ganoon kay Bryce at Harvey. Parang wala nga lang sila sa kaniya and so as the two.
Hay naku, Calyx! Bakit ko ba pino-problema ang mga babae mo?
Kinabukasan ay maaga akong nakapaghanda para sa sports meet. Paalis na sana ako ng maalala ko ang varsity jacket ni Calyx sa akin.
Ang sabi niya busy siya sa weekends pero sa weekends na yon nakita ko siya at pakikipaglandian lang ang ginagawa niya?
Wala akong choice kung hindi kunin ang sakaniya. Wala din akong balak isuot ngayon dahil ang plano ko, pagkapasok ko sa university ay hahanapin ko kaagad si Calyx at makikipagpalit sa kaniya.Nasa parking na ako, hindi pa bumababa. Pinapanood ko lang ang iba't-ibang students from different schools papasok sa university at mga school buses na naghahanap ng mapapa-parkingan. Dito sa school namin gaganapin ang opening remarks pati na rin ang mga iba't ibang laro hanggang bukas at sa Southville naman sa makalawa. Ang championship at closing remarks ay gaganapin ulit dito, since ang school namin ang isa sa pinakamalaking school sa buong lalawigan.
I checked the time and it's just 7:58. Mamayang 9 am pa ang opening kaya marami pang time para makapagrelax ang mga players. I took my phone out and dialled the number of Ellie, I would ask her to accompany me sa mga basketball players.
"Hello?" Saad niya sa kabilang linya.
"Ellie, nasaan ka?"
"Nasa canteen. Why?"
"Who's that, Ellie?" I heard a female voice from the other line.
"Si Katana." Sagot ni Ellie.
I heard the female laugh. "Ah, your bestfriend." Sabi nito.
Kapansin-pansin ang pagiging sarkastiko nito kaya awtomatikong napataas ang isang kilay ko.
"Shut up." bulong naman ni Elliezel.
Tumikhim ako.
"You're with someone?" I asked.
"A-Ah. Oo, I'm with a friend."
"A friend? Sino?"
"A friend, Ellie? I thought we're bestfriends now." Natatawang ani ng babae sa kabilang linya.
"Shut up, Dahlia." bulong ulit ni Elliezel.
Oh. So she was with Dahlia. Close na close na sila ah.
"Hello, Katana? Ano nga ulit 'yon?"
"Dalian mo na, Ellie. Let's go in the gymnasium na." Si Dahlia ulit.
"Wait lang, Dal." Elliezel whispered again. "Katana? What is it?"
I coughed a bit before answering.
"A-Ah. W-wala naman. Magpapasama sana ako but I think you're busy."
"Oo eh, sorry ah? May pupuntahan kasi kami ni Dahlia."
"I see." mahinang sagot ko.
"Ano na, Ellie? Tara!" Natatawang sigaw ulit ng bwisit na Dahlia na 'yon.
BINABASA MO ANG
Escaping the Darkness
Fiksi RemajaKatana Saphira R. Mendez is entitled as the Mendez' princess. Tinitingala at kinaiinggitan ng karamihan. Gagawin ang lahat para sa pamilya at mga kaibigang mahal na mahal niya. A living luxurious princess, ika nga nila. Little did they know, Katana...