Kabanata 46

65 4 0
                                    

Kabanata 46

Hindi makapaniwala sa sinabi ni Wacky kaya naman ay sinamaan ko lang siya ng tingin at akmang hahabulin pababa kaso ay pinigilan ako ni Liberty.

"'Di ba you promised na kakantahan mo'ko on my wedding. Ito na."

"Anong kakantahin ko naman?"

Nag-isip siya.

"Ikaw na bahala. Dali na!" Tinulak pa niya ako pataas ulit sa stage at saka kinuha 'yong mic at binigay sa akin.

"Kuya! Kakanta po siya." Sabi niya sa operator at tumango naman ito. "Go, Doc! Fighting!" Aniya pa bago bumaba.

"Good evening again! Uhm... This song is for the newly wed couple... And especially, for the bride. This song has a great sentimental value to her," tumawa pa ako. "Bakit? Kasi ito ang paulit-ulit niyang pinapakinggan no'ng first heartbreak niya no'ng college," mas lalo akong natawa.

Natawa naman sila maliban kay Liberty.

"Hahahaha! Nice, Katana!" Sigaw ni Scarlette.

"Naalala ko 'yon!" Si Amber.

"Iyak siya dati eh!" Si Grethel.

"Mga bastos talaga kayo!" Si Liberty habang nakanguso pa.

Maging ang mga parents niya ay tatawa-tawang umiling.

Kinuha ko ang gitara at saka naupo sa rattan chair na nilagay ng mga staffs ng hotel. Ni-try ko pa ito bago sinimulan ang pag-strum dito.

"Want somebody to love,

Time keeps slipping away

I have always lived my life

Without a care in the world..."

Nakanguso pa rin si Liberty habang nakatingin sa akin pero kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata niya.

"Can't imagine love,

Can't remember at all..."

Nahagip ng mga mata ko si Harvey habang kausap si Calyx. Parang pinipilit niya ito habang si Calyx naman ay bugnot na bugnot na sa kaniya.

"I wish I loved you still,

I wish I could love you again...

Moment to moment,

Today, yesterday...

Love is the only,

Reason to stay..."

Si Wacky naman ay seryosong-seryoso habang nakatingin sa basong hawak niya. Parang napakalalim ng iniisip niya dahil hindi man lang niya napapansin ang mga babaeng kilig na kilig sa kaniya.

Is his heart okay?

"Now I've got,

Nothing at all...

I want somebody to love,

Want somebody to hold

I have always lived my life

Without a care in the world

I wish I loved you still..."

Si Scarlette naman ay seryosong seryosong nakatingin sa akin. Ganun din si Carliyah na mababasa pa ang pag-aalala at lungkot sa kaniyang mga mata.

"I wish I could love you again

Moment to moment

Today, yesterday

Love is the only

Reason to stay

Now I've got

Nothing at all..."

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon