Pagtatapos

110 2 0
                                    

Pagtatapos

Happy 23rd Birthday, Calyx!  Siguro, ito 'yong huling taong masasamahan kitang i-celebrate ang birthday mo. Aalis ako, Calyx. I'm not leaving because of my father's decision. I'm leaving for myself. I'm leaving because I want to be healed. I am leaving for good. Ngayon pa lang, hihingi na ako ng tawad sa'yo. Sorry kasi maiiwan kita. Pero huwag kang mag-alala, hindi ka mawawala sa isip ko. Pag maayos na ang lahat, babalik rin ako at ikaw ang una kong hahanapin. I will never stop loving you, Calyx.

~Katana Saphira M.

Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang basahin ang sulat niyang ito. It was countless times but it still feels the same. Sobrang sakit at nakakapanghinayang pa rin.

I already read the article about her comeback. About the Mendez's princess comeback. It's been seven years and the first thing I want to know is if she's already healed like what she wants. Iyon ang pinakaimportante sa akin, kung maayos na siya.

"Grabe, ang tanga naman no'ng number 10."

Naalala ko ang unang beses na maagaw niya ang atensyon ko. It was my senior year in highschool. Practice game namin noon para sa sportsfest sa AU. Nagkalat sa bleachers ang mga students para manood ng laro namin. Maging ang mga volleyball players ay nandoon rin, nanonood at nagpapalipas ng oras. Sa lahat ng mga sigawan at papuring natanggap ko galing sa mga tao, iyon ang pinaka-nakaagaw ng atensyon ko. Talaga namang halos umusok ang tainga ko sa sinabi niyang iyon.

"Number 10, bobo mo! Nanonood ka lang naman diyan!"

I looked at the girl who just cursed at me. She was sitting on the bench arrogantly while crossing her arms and her long legs. Sigurado akong volleyball player ito dahil sa suot na jersey uniform at sneakers. Dinu-duyan duyan pa niya ang kanang paang nakapatong sa kaniyang kaliwang paa.

"'Yan ba ang team captain nila? Ba't parang hindi naman magaling?" Kausap niya kay Sheniza, isa sa mga classmate kong volleyball player.

Ang sabi ko sa sarili ko kanina ay hayaan na lang siya, pero nang makarinig ulit ako ng insulto niya ay pagalit kong ibinato ang bola at nakahanda na sanang sugurin siya, ngunit paglingon ko sa bench ay wala na ito doon.

Masama ang loob kong sumalampak sa bench. Natatawang kinalma naman ako ng mga kasama ko ngunit hindi iyon umubra.

"Anong section no'n?" Gigil na tanong ko.

"Grade 10 pa lang 'yon, dude. Ang tangkad 'di ba? Parang ka-batch lang natin."

Grade 10 pa lang 'yon? That's very shocking! The way she act and talk to people feels like she's very ahead of us. Para siyang kung sinong reyna kung makaasta at makapang-insulto. Halatang spoiled brat. I decided to watch how she play on that day. I want to avenge her. Ininsulto niya ang laro ko kaya gusto ko ring iparamdam sa kaniya ang naramdaman ko kanina. I want to get even.

That's what I told myself. Pero noong nasa bleachers na ako, nanonood ay halos maging isa ako sa mga tagahanga niya. Napakagaling niya sa sports na ito! Doon na rin ako nakakuha ng pagkakataon para pag-aralan siya.

She's morena and so much tall to be in 10th grade. She's 5'6 if I'm not mistaken. Her long wavy hair is in ponytail. Maganda rin ang kaniyang pangangatawan. Hindi siya kasing-payat ng mga ibang kababaihan pero hindi rin siya pasok para matawag na mataba. Her long legs are very fine. Kung ang iba ay nagfi-flex ang mga muscles kapag sila ay gumagalaw, siya ay hindi. Maging ang mga kamay niya ay ganun rin. Napakakinis niya at para siyang mannequin. Kapansin-pansin ang pagiging maalaga sa katawan. She's really perfect, hindi man kasing laki ng mga tipo ko ang dibdib niya. Eh, ano naman? It's not like she's my type or something.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon