Kabanata 45
Matapos ng mahabang tinginang iyon ay ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Bumaling ako kay Carliyah na ngayon ay nanunuksong nakatingin din sa akin. Pinagkunutan ko lang siya ng noo.
Nag-usap sila ni Kuya at matapos no'n ay sabay silang lumapit sa amin. Nilingon niya ang isa sa mga staff ng hotel at mukhang may hinihingi siya dito na agad namang binigay sa kaniya.
Payong? Tss.
Binuksan niya ito at patakbong lumapit sa gawi ko.
"Mainit," aniya ng makalapit siya.
Ayon na naman ang matapang niyang pabango na hindi masakit sa pang-amoy kung hindi nakaka-antok.
Pinayungan niya ako at agad naman akong lumayo sa kaniya saka lumapit kay Kuya. Pinakita ko sa kaniya ang pandidiri ko sa presensya niya.
Humalakhak lang siya.
Sabay sabay kaming bumaba. Nasa mga staff ang gamit namin. Nang makababa kami ay agad kaming pinagtinginan ng mga tao. Una, dahil sa napakaraming body guards na kasama namin. Pangalawa, ay dahil ginagabayan kami ng mga staffs ng hotel. At ang pangatlo, ay dahil sa demonyong nasa tabi ko.
"Katana!" Malakas na sigaw ng mga kaibigan ko at lumapit sa akin.
"Hi, baby!" Pang-aasar na naman ni Scarlette kay Kuya.
"Tss!"
Lumapit si Grethel sa'kin at saka yumakap. Ganon din si Amber at Scarlette.
"Tagal niyo naman? Hi, Kuya Caleb." Si Amber, tinanguan lang siya ni Kuya saka siya nagpaalam saming may aasikasuhin lang daw.
"Sakto lang kaya. Si Liberty?"
"Nasa suite niya. Nagpi-pictorial."
Tumango naman ako.
"Hoy! Ba't kasama niyo 'yan?" Pagtutukoy ni Scarlette kay Calyx.
Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko rin alam kung bakit nga ba. Si Kuya ang nagsama sa kaniya.
Iginiya ko sila patungong resto para makapagmerienda na. Tumanggi naman sila at sabi'y maglalaro na lang daw muna sa dagat kaya kami na lang nina Carliyah at Calyx ang dumiretso doon. Nandoon na rin ang iba pang mga kakilala namin. Maging sina Bryce at Harvey ay nandoon.
"Hi, Doc!"
"Ganda ng resort mo, Katana!"
"Sarap magbakasyon dito."
Ngumiti naman ako sa kanila.
"Hi, Kat! Hi, Calyx, dre!" Si Bryce. "Grabe, ganda ng resort mo. Sana ganito rin pag kinasal ako. Hindi ako makakapayag na si Harvey lang ang makalibre."
"Oo naman. Kailan ba?"
"Pag may nahanap na, hehe. Pero baka si Calyx muna," nang-aasar na saad niya. "Ikaw? Kailan ka ba magpapakasal?"
"Wala pa akong balak," sagot ko naman.
"Naku! Mahirap 'yan." Bumaling naman siya kay Calyx. "Ikaw, dude? Kailan?"
"Pag may balak na siya," turo niya sa'kin. "Sinusuyo ko pa mapapangasawa ko eh."
Sinamaan ko naman siya ng tingin at napuno nga ng kantyawan ang hapag.
"Ang kapal ng mukha mo. Ano na naman ang ibig mong sabihin?"
"Doon din naman papunta 'yon." Taas noong sambit niya pa.
"Well sorry but I only marry the man I love. Hindi ako pakakasal sa taong hindi ko gusto at sa kaso nating dalawa ay malabo ngang mangyari ang pantasya mo."
BINABASA MO ANG
Escaping the Darkness
Teen FictionKatana Saphira R. Mendez is entitled as the Mendez' princess. Tinitingala at kinaiinggitan ng karamihan. Gagawin ang lahat para sa pamilya at mga kaibigang mahal na mahal niya. A living luxurious princess, ika nga nila. Little did they know, Katana...
