Kabanata 48

54 5 0
                                    

Kabanata 48

Why do people ask for forgiveness? Is it because they were sorry and want to make things right? O tingin nila ay kailangan lang nilang gawin iyon para matapos na ang lahat. So that they won't feel guilty.

They think saying sorry could change anything. They always thought that it could stop others from hurting. But it won't. It will make you feel better, yes. But it was just for temporary. The scar inside yours will be left permanently.

People who are asking for forgiveness is like asking for another chance to hurt you again. They ask for forgiveness to commit another mistake. And the worst is that, some are expecting for a change, but pain and dissapointed is what they get.

Pinagmamasdan ko ang malaking hospital na pinagta-trabahuan ko. I am inside my red chevrolet corvette convertible car. Kanina pa ako dito, hindi pa bumababa. Matapos ang ilang minuto ay pinaandar ko ito palayo sa hospital. Wala akong balak pumasok ngayon.

Makulimlim ang langit kaya hinayaan kong naka-open ang bubong ng aking sasakyan. Mabilis ang patakbo ko dito kaya nililipad din ng hangin ang aking mahabang buhok. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta nagdrive lang ako ng nagdrive at natagpuan na lang ang sarili sa tapat ng sementeryo

Bumili ako ng bulaklak at kandila sa mga batang nagtitinda sa labas bago tuluyang pumasok. Nilapag ko ang bulaklak at sinindihan ang kandila sa lapida.

Adrian James B. Sison

"It's almost a month, Adrian. Halos isang buwan na mula nang iwan mo kami. Are you happy? I wish you are. Huwag kang mag-alala kay Grethel, ah? Hindi namin siya pababayaan. Pangako 'yan."

I smiled.

"Nagkausap na kami ni Calyx. N-Nag... Nag-sorry siya sa akin. He explained everything to me. Nakakatawa nga eh, dahil mukhang m-misunderstanding lang ang lahat." Bumuntong hininga ako. "Misunderstanding lang ang lahat lahat ng nangyari sa amin."

Sumikip ang dibdib ko.

"Ang dami dami kong pinagdaanan... t-tapos 'yong sa'min misunderstanding lang pala..."

Suminghap ako.

"Adrian, n-nahihirapan na ako..." nabasag ang boses ko. "Gusto ko nang matahamik. Gusto ko siyang patawarin. Silang lahat. Gustong gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. Gusto kong gawin 'yon."

Tumulo ang mga luha ko.

"Pero paano? Paano ko m-magagawa 'yon? Ang sakit dito," sinuntok ko ang dibdib ko. "Ang sakit sakit dito."

Sinuntok ko ito ng paulit-ulit umaasang maiibsan ang sakit ng nararamdaman ko.

"N-Nasasaktan ako ngayon. Patuloy pa rin akong nasasaktan. Akala ko kapag narinig ko na ang paliwanag niya ay tapos na ang lahat. Akala ko magiging maayos na ako. P-Pero... Pero no'ng marinig ko 'yong eksplanasyon niya? Mas lalo pa akong nasaktan." Humikbi ako.

Naghalo-halo ang emosyon ko. Ang sakit, lungkot, hindi makapaniwala, dissapointed. Para kaming pinaglaruan ng oras at tadhana.

Isang hindi pagkakaintindihan.

Hindi rin ako nagtagal doon. Nag-drive ulit ako papuntang shooting range kung saan kami madalas ni Kuya.

Binigyan ako ng staff ng gears. Sumunod ang baril. Nang maayos ko ito ay pinaputukan ko ang target ng sunod sunod at halos magkalasog-lasog na ito.

"W-Woah! That was tough, Katana! May pinagdaraanan ka ba?" Biro sa akin ni Aldrine, kaibigan ito ni Kuya at siya ang palaging nagi-entertain sa amin dito.

Hindi ko siya pinansin. Ibinato ko sa kaniya ang baril, headphones, at iba pang gears na suot ko at halos magkandaugaga naman ito sa pagsalo. Umalis ako doon ng hindi nagpapa-alam at dumiretso sa Colgar Pub.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon