TAFLAM 17. Marco

101 8 2
                                    

Marco, The Exchange Student.

Xena POV

"So chika mo na sakin ang ganap niyo ni kuya, sa car?" Pangungulit sa 'kin ni chelsea. Wala yong dapat na prof naman at wala ring substitute kaya free time ngayon.

"H-ha? Anong echi-chika ko?" Wala namang nangyari maliban sa niyaya ako ni raven na maging date niya sa birthday niya. At hindi ko rin naman sasabihin sa kanya ang nangyari kagabi sakin na lang 'yon.

"Sus... Maang maangan ka pa akala mo hindi ko alam ang nangyayari," Para akong kinabahan sa sinabi niya. May alam ba siya sa nangyari kagabi. Did raven told her about the kiss? Mapapatay ko talaga si raven pag nakita ko siya mamaya.

"Hoy... Ito naman namutla agad joke lang naman 'yon." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Pinagpapalo ko ang hita niya at tatawa tawa naman siyang umalis sa upuan niya at lumayo sa 'kin. "HAHAHA... laughtrip ka talaga X." Tawang tawa siya sa nangyari at napakapit pa sa kakalse namin na walang kamuwang muwang sa nangyayari.

Biglang sumeryoso ang mukha niya matapos siyang bumuga ng hangin saka ako tinitignan. "Pero, seryoso may nangyari ba kagabi?"

"CHELSEAAAA...." Pinaghahabol ko siya at ikot naman siya ng ikot sa classroom, may nasasangi na kami pero ni wala naman silang lakas ng loob umangal.

"WHAT'S HAPPENING HEREEE?" Dumangongdong ang sigaw ni Ms. Minche sa classroom namin at matalim kaming tiningnan ni chelsea. "Ms. Sandoval and Ms. Guerrero in my office NOW!" Napapikit ako sa tinis ng boses ni Ms. Minche nakakatakot pa naman siya para siyang dragon na mangangain ng tao.

Pero papasa rin siyang dugong, hindi ako ang nagsabi nun si chelsea. Papasa daw na dugong si Ms.Minche dahil sa ang taba taba nito at laging nakabusangot ang mukha. Feeling ko nga ang biased niya pag mga gwapong lalaki ang kaharap niya nagiging mabait siya at palangiti, tapos saming mga babae para siyang araw araw may dalaw sa sama ng tingin niya samin.

"At nagpa-cute na naman po ang dugong." Bulong ni chelsea kaya ko siya siniko ko, nasa unahan pa naman namin si Ms.Minche naglalakad at nakahawak pa sa braso ng lalaking kasa-kasama niya kanina sa room. Hindi ko lang masyado makita ang mukha dahil sa nakayuko ako sa pagsigaw ni Ms.Minche, takot ko lang pag nakita niya ang beauty ko at mas magalit pa siya. Galit pa naman 'yon sa mga magaganda dahil nagmumukha siyang panget pagkami ang kasama niya.

Huminto kami sa paglalakad ng makarating kami sa teachers office wala pang teacher doon at si Ms.Minche lang talaga. Pumasok siya at pabebe pang tumingin sa lalaking naka-uniform rin ng SU, transferee siguro.

"Take a seat, Mr. Lucas," Pabebe nitong sabi agad naman naupo ang lalaki na ngayon ay kitang kita ko na ngayon ang mukha. Ang buhok niya ay Center part hairstyle, matangos ang ilang heart shape lips at perfect na perfect din ang jaw line niya and therefore i conclude gwapo siya.

"Take a seat, Mr Lucas," Panggagaya ni chelsea sa boses ni Ms.Minche sa mababang boses. Palihim akong natawa sa ginagawa buti na lang hindi narinig ni Ms.Minche dahil busy ito sa pangangalkal sa kabinet ng table niya pero mukhang narinig ng transferee ang panggagaya ni chelsea kay Ms.Minche dahil napatingin ito sa amin tapos kay Ms.Minche.

I bit my lower lip. Is he going to tell Ms.Minche of what he heard.

"Here's your schedule, Mr.Lucas." iniabot ni Ms.Minche ang schedule ni transferee na agad naman nitong tinanggap.

"Thank you, Ms." Ani nito at tumayo na. Nakahinga ako ng maluwag ng wala namang balak magsabi ang transferee sa narinig niya.

Napatingin sa 'min ni chelsea si Ms.Minche agad kami nitong tinaasan ng kilay at sinipat kami mula ulo hanggang paa. Napagtanto niya yata na kahit anong gawin niya ay maganda parin kami sa kanya kaya niya kami inirapan.

TAFLAM BOOK 1: The Awesome Five Leader And Me [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon