PROLOGUE

605 30 3
                                    

You're worth the wait.

"Jiji saan ba tayo pupunta? At bakit nakapiring ako?" little xena asked.

Kasalukuyan siyang nakapiring habang hawak naman ng batang lalaki na si jiji ang kanang kamay niya, binabaybay nila ang daan sa secret place na nakita nito at gusto nitong ipakita kay little xena.

"Nandito na tayo nana." sagot nito.

Nang makarating sila sa sekreto nitong lugar ay tinanggal rin nito ang pagkaka-piring sa batang si xena. Bumungad sa kanya ang napaka-lagong puno ng mangga, may nakasabit na tali na may kariton. Napakatahimik ng lugar tanging ang mga huni ng ibon at tuyong dahon na kanilang naapakan ang kanilang naririnig, nagluluntian rin ang mga damo at masyadong malawak ang lugar.

Umupo ang batang lalaki sa kariton, ipinasok nito ang ulo sa butas nun pumunta naman ang batang si xena sa likod nito at itinulak bahagya ang likod nito.

"Nana itong Secret place natin pagandahin mo pa ha? Lalagyan natin ito ng maraming bulaklak at mini swimming pool narin para sa ating dalawa."

"Gusto ko din ng bahay pahingahan dito jiji, para pagpagod tayo may mahihigaan tayo." nakangiti din usal ni xena.

"Sana ipagpatuloy mo ang pangarap nating yan xena, kahit pa nasa malayo ako." Nang sa sinabi na yon ng batang lalaki ay tumigil ang pagtulak sa kanya ni xena, pumihit ito paharap sa kanya, bakas ang lungkot sa maganda nitong mga mata kunti na lang ay malalaglag na ang nagbabadyang luha sa mga mata nito.

"Babalik ka pa naman, hindi ba jiji?" Paninigurado nito.

"Syempre naman nana. Pakatatandaan mo na kahit saan man ako mag punta you'll always here in my heart." turo nito sa dibdib nito. "kahit saan man ako mag punta, marami man akong makilala. Uuwi parin ako sa piling mo, nana, cause IM INTO YOU and im intended to keep my promise to you."

TAFLAM BOOK 1: The Awesome Five Leader And Me [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon