Double update💙
Things happened so fast at sa sobrang bilis ng oras halos di na namaliyan ni xena na magda-dalawang buwan na ang relasyon nila ni Raven.
Tunay ngang napakabilis ng oras pag masaya ka, at napakabagal naman kung nagluluksa at malungkot ka. Sa sobrang bagal halos hatakin mo na ang oras para mabilis na lumipas.
2 days na lang at monthsary na nila ni Raven, wala pa naman silang pinag-usapan kung saan nila balak mag-celebrate at nitong mga araw din ay bilang lang ang oras na magkasama sila at magkausap ni Raven.
Minsan nagtataka siya kung ano ang pinagkakaabalahan nito, pero ng isipin niya na baka naghahanda ito sa monthsary nila ay nawawala ang pangamba niya.
It's already nine in the morning usually Raven text or call her at eight to greet her a good morning, but this past few days malimit na lang. At ngayon nga ay ni isa ay wala itong text o tawag.
Hindi ba niya ako gustong kamustahin man lang.
Nagtatampo na siya rito. She type a text message greeting him and asking what his doing, but minutes past and there's no reply.
Ang lapit lang rin ng bahay nila sa isa't isa pero hindi man lang nito magawang bisitahin siya.
She sighed.
Hindi naman siguro ito nawawalan ng load, para hindi makapagtext o tumawag man lang sa kanya. She miss him so much, noong first monthsary nila ay sakto ding busy sa gaganaping school fair noon at nagawa lang nilang e-celebrate ang first monthsary nila sa cafeteria. Pero kahit saan pa 'yon basta kasama niya si raven at masaya sila ay ayos lang sa kanya.
His presence is more important than surprises.
Dahil sa wala siyang magawa at weekends naman ay naisipan niya na lang na bumili ng ingredients para sa eba-bake niya para kay Raven. She already buy him a gift but she also want to give him a gift, na pinaghirapan niya talagang gawin.
She wore her navy blue dress and doll shoes, hinanap niya agad ang driver nila para magpahatid sa malapit na supermarket. Nakarating siya sa kusina at agad na nakita roon si nanay minda na nagluluto ng agahan, agad siya nitong nakita at nginitian.
"Malapit na itong matapos. Upo ka na at maghahain na ako, anak." Nakangiting ani nito.
Naupo siya sa hapag at agad na hinanap ang kakambal niya. "Where's steven, nay?" tanong niya ng hindi makita kahit saan ang kakambal niya.
"Umalis siya kanina. Pupunta daw kayla chelsea." mabuti pa si steven binibisita si chelsea, samantalang ako hindi man lang magawang dalawin ni raven kahit sa panaginip man lang.
Ang sad ng life ko.
"Kumain po ba siya bago umalis?"
"Nako, hindi na at nagmamadali ang batang 'yon." ani nito.
"Salamat nay." pagpapasalamat niya rito ng ilapag nito ang agahan niya at ang tinimpla nitong gatas.
"Ikaw. May pupuntahan ka rin ba?" Nay minda asked while looking at my clothes.
"Bibili po ako ng ingredients sa ibe-bake ko po, wala na kasi tayong stock."
"Gusto mo ako na lang ang bibili para sayo," alok nito na maagap niyang tinanggihan.
"Huwag na po nay. Ako na lang saka may dadaanan rin po ako," aniya. Hindi niya gustong iasa rito lahat, kung kaya niya rn namang gawin. "Nasaan po si Mang Berting, nay?"
"Nasa labas at naglilinis ng sasakyan, teka at sasabihan kong ihatid ka." Anito at iniwan siya sa kusina kaagad niya namang sinimulang ubusin ang kanyang agahan.
BINABASA MO ANG
TAFLAM BOOK 1: The Awesome Five Leader And Me [COMPLETE]
Teen Fiction[DUOLOGY] Nang dahil sa isang pangako ng nakaraan ay kumapit siya at naghintay sa taong pinakamamahal. Hindi niya akalain na ang minamahal niya na pala sa kasalukuyan ay siya rin palang minahal niya noon sa nakaraan. Walang sekretong hindi nabubuny...