TAFLAM 2.The Plan

226 19 9
                                    

NANDITO kami ngayon ni chelsea sa mall at hinihintay ang magiging kasabwat namin sa gagawin naming plano. Habang hinihintay namin ang magiging kasabwat namin sa planong nasaisip kong maghanap na muna kami ng stall para kainan, napili naming dalawa ang jollibee.

"Sure na ba talaga itong plano mo bess?" Tanong ni chelsea. Habang ngumunguya ng fries niya.

"Sure na sure na ako." sabi ko sa kanya at kumagat ng burger ko.

"Baka makasakit tayo ng iba, sa gagawin nating to." Tama si Chelsea. Makakasakit sila sa planong iniisip niya, pero kailangan parin nila itong gawin para sa ikaka-tagumpay ng plano, after all na briefing na nila si jude sa magiging papel nito sa plano nila.

Mamaya lang rin ay dumating na rin ang hinihintay nila.

Jude Jimenez 17 years old senior high stem, dakilang nerd ng SB university at may matagal ng pagsinta kay Chelsea.

"Maupo ka jude." Ani ko nang makarating siya sa pwesto namin. Naka jeans ito at puting long sleeve na itinupi nito hanggang siko, nakasuot rin ito ng malaking glasses at braces typical nerd ika nga.

" Okay lang ba sayo ang gagawin natin jude?" Nahihiyang tanong sa kanya ni chelsea nagkaka-hiyaan pang nagkakatinginan ang dalawa.

"Haysstt!" mahinang tili ko. "Ano ba yan, ang awkward ng atmosphere sa inyong dalawa, magsi-tayo na kayo jan at sisimulan na natin ang plano."

First Step:( Jude physical makeover )

Una naming pinuntahan ang salon para ayusan si jude mayaman naman ito, sadyang itinago ata sa baol ng magulang at masyado na itong out dated.

"Ey, manong kunti lang po, hala wag po!" nagtitili ito ng paggu-gupitan ito ng buhok, mas gusto pa ata ang buhok niyang nakatakip na sa mata niya.

"Ayy bongga ka jude, buhok pa lang gwapo kana!" tili ni Chelsea para na itong sikat na korean oppa sa buhok nito, sa buhok pa lang ha! pano pa kaya pag whole makeover na.

"Next na, may sira ba ang mata mo?" Tanong ko rito, masyadong malaki ang suot n'yang salamin para sa mga genius ngayon.

"Wala naman." Sagot nito.

" Okay tanggalin mo nayan." turo ko sa salamin niya.

Nagaalin-langgan pa siya nung una, pero tinaasan ko lang siya ng kilay at sumunod naman siya, hindi pa man natatapos ang makeover namin ay tiyak ko na ang magandang idudulot nito.

Sunod naming pinuntahan ang dentist na magta-tanggal ng braces ni jude, nang matanggal ang braces niya ay sunod naman naming pinuntahan ang boutique. Hablot lang ako ng hablot ng mga damit sa men's apparel, at ibinibigay kay jude si chelsea naman ang bahala sa mga sapatos nababagay kay jude.

Sukat lang ng sukat si jude minsan naman ay iiling-iling kami sa pagka jologs nito at tinact-in pa talaga. Tinuruan din namin siya ng tamang posture, hindi man magtagumpay ang plano naming ito, atleast we help jude to get out of his comfort zone and to gain confidence also.

Maya maya lang ay lumabas si jude na suot ang kulay kremang sweet shirt, na may red rectangle sa upper chest nito na tinaas nito hanggang siko, at black skinny jeans and casio watch with his messy hair like a korean oppa.

Likas din na maputi at matangos ang ilong niya, maamo rin ang mukha niya na mapagkakamalan mo na ngayong isang korean artist sa taglay nitong karisma, bumagay din ang sapatos na pinili ni chelsea para rito, black fila shoes.

"Wow!" My jaw drop seeing jude physical makeover.

"Ang gwapo!" tulala ring sabi ni chelsea.

"Crush na kita Jude." wala sa sarili kong sabi, nakatanga lang ako sa kanya na animo'y na starstruck ako kay jude.

Namula naman siya kaagad at napakamot pa sa batok niya.

Second step: ( Confidence )

Sa pilitan pa naming hinila si jude para kausapin ang kumpulan ng mga kababaihan sa isang women boutique. Nahihiya pa ito at baka raw hindi siya pansinin ng mga babae.

"Kaya mo yan jude fighting!" cheer namin sa kanya, humugot pa muna siya ng malalim na hininga, bago nagtungo sa kinaruruunan ng mga kababaihan.

"Ahm, Hi Girls." nahihiyang bati ni jude.

Tumili agad ang mga babae na animoy nakakita ng Oppa daw nila. Nagpaunahan naman ang mga ito na mag papicture kay jude at ang iba pa ay kimi lang na nagpapacute.

"Ang gwapo mo Oppa!"

"Keopta."

"Saranghae Oppa!"

Halo halo na ang naririnig nilang tilian, pati ang mga sales lady ay nakikitili narin. Si jude naman nakangiwi lang sa camera ng tumagal din ay naging maayos na ang ngiti nito.

Maya maya lang rin ay dumating na si jude nanlata na ata.

"Masarap pala sa pakiramdam ang tinitilian at pinapansin ng iba." nakangiti n'yang bungad sa amin.

"Im proud of you jude." sabi ko rito, kung wala lang akong hinihintay, baka niligawan ko na itong si jude.

"And that's because of you two, Maraming salamat." bahagya pa itong yumuko, imbis na mag welcome kami sa kanya ay niyakap nalang namin siya ni chelsea.

sininghot ko pa ang leeg nito. "Ang bango mo, jude." sabi ko rito na lihim na ikinatawa ng dalawa.


LUNES ngayon at ngayon namin gagawin ang third step. Hinihintay ko nalang sa gate si chelsea at jude na dumating sinabi ko kasi sa kanila na mauuna kaming pumasok ni kuya na susundan naman nila. Kakalabas ko lang ng sasakyan ni kuya ganun rin ito ng umugong ang bulungan.

"Ang gwapo niya!"

"Transferee ba siya, Ang gwapo."

"Oppa!"

"Kasama niya si chelsea, boyfriend ata yan ni chelsea, ang gwapo ah."

Ng tingnan ko ang dumating ay si jude, hawak ang bewang ni chelsea pati narin ang bag nito.

Third Step :( Let the Plan begin
#makeStevenCharlesSandovaljealous)

"Who is that guy? and why he was with chelsea?" Sunod sunod na tanong ni kuya nakatingin lang ito sa direction ng dalawa.

"Well that's, Jude Jimenez your Classmate ang Chelsea's BOYFRIEND." pinagdiinan ko talaga ang boyfriend para dama ni kuya.

"Jude with a thick eye glassess and braces?" Takang tanong niya na ikinatango ko naman.

" yup, yup, yup, A big check for You." Gumuhit pa ako ng invisible check para sa kambal ko.

Nang makarating sina chelsea at jude sa direction namin ay nakipag beso agad ako rito, at tinapik lang ni jude ang balikat ko at ngumiti naman sa kuya ko.

"I didn't know, that you already have a boyfriend, does Raven already know about this?" If looks could kill, kanina pa nakabulagta itong si jude sa sama ng tingin ng kuya niya rito.

"Ahm, Sasabihin naman ni chelsea mamaya kuya d'ba chel's?" Pinanlakihan ko ito ng mata na siyang nakuha naman nito.

"Ah yes! Mamaya sasabihin ko, ipapakilala ko na din si Jude." nakangiti itong bumaling kay jude at kumapit sa braso nito.

Nang tingnan ko si kuya ay nakatiim bagang ito, bago umalis.

"Kyahh success is coming!" mahinang sigaw ko at nagtatalon kasama si chelsea, nakangiti rin si jude samin sa pinanggagawa naming dalawa ni Chelsea.

I think this will not take to long for us to achieve our goal, seeing my brother expression awhile ago, God! Victory is coming.

MissGentle

TAFLAM BOOK 1: The Awesome Five Leader And Me [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon