XENA POV
PINAGTITINGINAN kaming dalawa ni raven ng makababa kami ng sasakyan niya. Students are whispering if we're in relationship or something.Nakadagdag pa sa bulungan ng SU students ng hawakan ni raven ang kamay ko at pinagsiklop ito sa kamay niya.
Pa issue itong si raven. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan sa sari saring komento ng mga estudyante.
"Confirm sila na nga!"
"Bagay sila!"
"Bess paki kuha ng puso kong pira piraso na, huhu"
"Tatlo na lang ang natitira, sana akin na lang yong isa!"
"Raven! mahal parin kita!" Sa lahat ng nagkomento 'yon ang nakakuha ng atensyon ko.
Nilingon ko ang sumigaw na babae ito yong anak ng governor, si gelica maganda siya at may height na pang modeling at maganda rin ang legs niya pero wala akong pakialam.
Raven is mine!
I was about to confront her when raven hold my hand to prevent me to walk towards the governor daughter. "Hayaan mo na love. Ikaw lang naman mahal ko." My cheeks heated as i hold raven hands tight to walk faster.
Dahil maaga pa ay sa AF room na muna kami dumaan, nadatnan naming nagbre-breakfast si kenneth at howard. Mag pinsan nga naman.
Si steve naman ay tulog sa ratan na duyan at si chelsea at steven na magkatabing nanunuod ng tv sa sofa.
"Good morning guys!" Bati ni raven sa kanila. Sabay na napaubo si howard at kenneth, dali dali namang uminom ng tubig ang dalawa at sabay na nilingon si raven. Ang tulog naman na si steve ay napamulat at si steven ay napakunot nuo at napahagikhik naman si chelsea.
"Bro, paki sampal nga ako. Mukhang binabangungot ako." Sabi ni kenneth kay howard habang gulat paring nakatingin kay raven.
"Gago* kaba?, paano kita sasampalin, kung binabangungot rin ako." Sabi naman ni howard na parehas lang din ng reaction ni Kenneth.
"Mag pasampal kaya tayo kay steven," Aya ni kenneth kay howard.
"Sige, baka sakaling magising tayo." Sang ayon ni howard. "Psst!!! steven paki sampal nga kami ni Kenneth. Binabangungot yata kami bro," anito pa.
"My pleasure!" Sabi naman ng kakambal ko at tinungo ang pwesto nina howard at kenneth.
"Pwede bang iuntog ko nalang ang mga ulo niyo ng sabay, para isahan na lang." Suggest ni steven. Tawang tawa na kami sa pinanggagawa ng tatlo, ganun ba talaga dapat ang maging reaction kapag first time mong narinig ang good morning sa kaibigan mong laging may red tide.
"Sige. Since parehas lang naman kami ng panaginip." Sang ayon ni Kenneth na ikinatango naman ni howard.
Pinag-untog ni steven ang ulo ng dalawa kaya napamura ang mga ito at masamang tiningnan si steven.
"Oh, bakit? Sinabi niyo pag-untugin ko kayo di ba?" Sabi ni steven sa dalawa. "Sinunod ko lang naman."
I can't stop myself from laughing so hard.
"Totoo mag jowa kayo? Hindi niyo kami jinojoke?" Hindi parin makapaniwalang sabi ni kenneth.
Nasa lamesang pabilog kami at kaming dalawa lang ni raven ang nakaupo at parang nasa hot seat kami, habang sila naman ay nakatayo at iniintriga kami.
"Pano naging kayo?" Tanong uli ni Kenneth.
"Aishh!!" Inis na tumayo si raven na nagpaatras sa kanila. "Naging kami dahil gusto naming dalawa na maging kami. Tapos." Inis na sabi ni raven saka ako hinawakan at hinatak papalabas ng AF room.
Lahat ng madadaanan namin ay nag gi-giveway para makadaan kaming dalawa. Ni wala rin ang nagtangkang bumati sa amin dahil sa sama ng itsura ni raven ngayon. Hanggang sa makarating kami sa classroom saka niya lang ako binitawan.
"Okay ka lang?"
Kumalma ang mukha niya at napabuntunghininga. "Okay lang. Pumasok kana malapit na ang first period niyo."
"Okay, pasok ka nadin." Tumango siya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. May narinig pa kaming hagikhikan ng halikan ni raven ang tuktok ng ulo ko.
"See you at the AFR later," Tumango ako at umalis rin siya kaagad. Naiwan naman ako na nakatayo sa pintuan ng classroom. Maintriga parin ang mga tingin na binibigay sa akin nv mga kakalse ko. Naghahanap marahil ng tyempo para magtanong kung anong meron sa 'min ni raven.
Tahimik akong tumungo sa upuan ko at tinignan si marco na nakayukyok sa upuan nito na katabi ko lang. "Anong nangyari rito?" I mouthed to chloe na katabi rin ni marco. Bali three seat for the first row sa second naman tig dalawang upuan. Kami ni chloe, marco at ako ay nasa first row at kaming tatlo ang magkakatabi ako ang nasa may bintana at napapagitnaan namin ni chloe si marco.
Habang si chelsea naman ay nasa likod namin at katabi ang dalawa pa naming kaklase.
Chloe shrugged and busy herself reading her book. Bago yun ah hindi na boys ang pinagkakaabalahan niya, libro na.
Muling napahiyaw ang mga kaklase ko ng si chelsea naman ang ihatid ni steven. Sometimes i wonder what's the difference between ravens and his friends with the other SU students. Kung itsura at yaman lang rin naman ang basehan lahat ng taga SU students ay meron din nun.
Nagulat ako ng umangat ang ulo ni marco at tumingin sa akin. "Xena, pwede ba kitang makausap?" Tanong niya.
"A-ah sige." Sumunod ako ng maglakad siya palabas.
Napunta kami sa exmundo building.
"Ano ang sasabihin mo sakin, marco?" Tanong ko sa kanya.
He looks problematic as he sat on the bench. "I saw someone a while ago as i go here in school." Panimula niya. "I-i can get over of that person. It's our first time seeing each other but my heart is weird it keeps on beating so fast." Aniya at napahawak pa sa batok nito.
Umangat siya uli ng tingin sa 'kin."Do you think, i need to see a doctor to consult what's with my heart?"
"listened carefully, isang beses ko lang ito sasabihin sayo." He nodded.
"I think you're In-love with her," ani ko. Hindi naman malayong mangyari ang love at first sight kaya baka 'yon ang nangyari kay marco.
"Anong her? It's a he xena." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
"W-what h-he?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
He nodded.
"Ako ba ginagago mo, ha marco?" Naiinis kong sabi sa kanya.
"Hindi, totoo nga kasi."
"Hindi pwede! Maraming luluha!" Pigil ko. Ang gandang lalaki niya para maging bakla.
Why o why bakit ganito? Bakit ang mga gwapong lalaki pa ang nagiging bakla.
To be continued...
(Not edited)
BINABASA MO ANG
TAFLAM BOOK 1: The Awesome Five Leader And Me [COMPLETE]
Teen Fiction[DUOLOGY] Nang dahil sa isang pangako ng nakaraan ay kumapit siya at naghintay sa taong pinakamamahal. Hindi niya akalain na ang minamahal niya na pala sa kasalukuyan ay siya rin palang minahal niya noon sa nakaraan. Walang sekretong hindi nabubuny...