Patakbong pumunta sina Alexander at Amara papunta silid-pulungan para sa huling pagpupulong bago ang digmaan. Nagkakagulo na ang mga mamamayan dahil unti-unti nang nagiging ginto ang buwan. Lahat sila ay nangangamba para sa kaligtasan ng kanilang mga sarili, mga kaibigan, at mga kapamilya. Walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ba sila pagkatapos ng malagim na digmaang magaganap.
"Dumating na ang kinatatakutan nating lahat, mga prinsipe. Mayamaya lang ay dadanak na ang dugo. Ihanda niyo ang inyong mga sarili. Kayong apat ang pinakainaasahan ng lahat," seryosong saad ng emperor. Nagkatinginan ang apat na prinsipe at makikita ang determinasyon sa kanilang mga mata na wari ba ay handing-handa nang makipagdigmaan. "Para ito sa kapayapaan kaya huwag kayong panghihinaan ng loob. Naniniwala kaming lahat sa inyo. Huwag niyo sana kaming bibiguin. Mag-ingat kayong lahat."
Tumango naman ang apat bilang sagot sa emperor. "Gagawin namin ang lahat, kamahalan," determinadong saad ni Vinn. Bumaling naman si Emperor Lloyd sa kanyang anak at niyakap ito.
"Natara anak, mas mabuting maiwan ka na lamang dito sa palasyo upang matiyak namin ang kaligtasan mo. Anuman ang mangyari, tandaan mong mahal na mahal kita," malamyos na wika niya kabaligtaran ng kanyang istriktong personalidad.
"I love you too, Dad. Everything will be alright," saad ni Amara bago humiwalay na sa yakap nilang mag-ama. Hinarap niya ang apat na prinsipe at nginitian niya sila. Niyakap niya ang sina Phil, Vinn at Josh. "Wag niyong pagagalusan ang gwapo niyong mukha ha?"
"Syempre naman baby girl. Baka sila ang bangasan ko eh," mayabang na saad ni Philippe.
"Ingatan niyo rin sina Jen, Ella at Gail. Wag niyo silang sasaktan. Binabalaan ko kayo!" babala pa niya sa tatlong prinsipe.
"Yes sir!" saludo ni Vinn.
"Ingat kayo. I know you will be a great king someday. Tandaan niyo lahat ng tinuro ko sa inyo ha? I love you three," sinserong saad pa ni Amara na ikinakunot ng noo ni Josh.
"Dongseng, bakit para namang hindi na tayo magkikita sa mga sinasabi mo?" tanong niya pero ngumiti lang uli sa Amara.
"Ano ba Oppa! Imagination mo lang yun. Masama bang mag-I love you?" natatawang saad ni Amara kahit sa loob-loob niya ay gusto na niyang umiyak. Alam niyang malaki ang posibilidad na hindi na nga sila magkita-kita pagkatapos ng gyerang ito.
"Mga Kamahalan! Nandyan na po ang mga kalaban! Nagsisimula na silang umatake sa punong bulwagan ng palasyo!" pahayag ng isang hinihingal na kawal. Naalerto sila sa narinig at agad na pumunta sa punong-bulwagan upang tulungan ang mga kawal sa pakikipaglaban. Samantalang sina Amara at Alexander ay sa kabilang direksyon nagtungo kung nasaan ang kanilang silid.
Nang makarating sila sa isang pasilyo ay tumigil si Amara ka ikinatigil din ni Alexander. "Blaz, mauna ka na, may nakalimutan ko ang sandata ko sa silid-pulungan," saad niya. Tutol man si Alexander ay wala na siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ng kanyang asawa.
Nauna siya sa kanilang silid na binalutan nilang dalawa ng isang makapangyarihang pananggalang upang walang kahit sino ang makapasok o makalabas maliban kay Alexander. Napadako ang tingin niya sa nagliliwanag na posas na mayamaya ay ikakabit niya kay Amara. Labag man sa kanyang loob ay kailangan niyang gawin ito para na rin sa kaligtasan ng kanyang asawa at ng buong lupain ng Allaria.
BINABASA MO ANG
Allaria: The Blazing Fire
FantasyAlexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his lifeless world turned upside down when he wakes up with a girl sleeping beside him. The girl named Am...