<Amara>
Sinundan ko lang si Josh hanggang makarating kami sa isang tent. May banner sa taas na nakasulat ay 'Experiencing Royalty' . Pagpasok namin ay napanganga ako sa hindi mabilang na pagkakataon ng makita ang loob nito.
It was an ordinary tent kapag nasa labas pero pagpumasok ka, mala palasyo ang laki. Actually, it was literally a palace! May dalawang throne seat sa unahan na obviously for the king and queen. Sa tabi ay mayroong mga kumikinang na korona at tiara. There's also a room on the left side. Bukas yung pinto kaya nakita ko ang mga damit na nakasabit doon, royal dresses specifically.
"Josh! Asan na?" napalingon ako sa sumigaw at nakita ang isang matangkad na lalaki. Sa itsura ay masasabi kong prinsipe din ang lalaking ito. Naglakad siya papalapit sa direksyon namin kasama ang isang pang lalaking may malawak na ngiti.
"Wala. Nagwalk-out eh. Wala daw sa mood," tumatawang saad niya dahilan para mapatawa ang dalawang lalaking bagong dating.
"Araw-araw naman siyang wala sa mood, pre. Hindi ka na nasanay," saad nung matangkad.
"Bro, baka naman pwede mo akong ipakilala sa magandang binibini sa tabi mo," saad naman nung lalaking labas ang ngipin kung makangiti. Ang kintab in fairness hahaha. Pwede na siyang model ng toothpaste.
"Hoy Philippe! Kay Alexander yan! Kaya tumigil ka na kung ayaw mong maging abo!" sigaw ni Josh pero parang wala siyang narinig. Samantalang ako ay kumunot ang noo. Anong kay Alexander?!
Philippe offered his hand and introduced himself. "I'm Prince Philippe of Telarria, nature prince. Nice meeting you, baby girl," he said while smiling widely.
"Amara." I smiled before accepting his hand for a handshake, pero nagulat ako ng halikan niya ang likod ng palad ko. Mabilis na hinila ni Josh ang buhok ni Phil dahilan para magsisigaw niya sa sakit.
"Aray! Hoy! Ano ba!"
"Amara, wag kang magpapadala sa mga galawan ng lalaking yan ha? Wala yang mabuting maidudulot sa'yo," saad nung matangkad na lalaki dahilan para umangal si Phil.
"Pre naman! Kaibigan ko ba talaga kayo? I can't believe you!" angal niya habang umaaktong nasaktan.
"Ara, wag kang maniniwala sa kanila. Inggit lang yang mga yan. Ako kasi ang pinakagwapo sa kanilang lahat," bulong niya na ikinatawa ko na lang.
"I'm Prince Vinniel of Ventusia, they call me air prince, Vinn na lang," pakilala nung matangkad na lalaki. He has this good boy aura unlike Phil na ngiti pa lang alam mo ng playboy. I smiled at him and bowed my head slightly.
"Vinn! Ano tutunganga ka lang diyan?! Ayusin mo nga to!" rinig kong sigaw ng isang babae. Napakamot na lang siya sa batok at awkward na ngumiti sa akin bago nagmamadaling lumakad papunta sa babae. "Kukunin ko muna ang tamad na'to sa iyo ha? Jennica nga pala," she said while looking at me. I smiled in response before nodding.
"Jen, I'm just asking kung dumating na si Xander," rinig kong paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Allaria: The Blazing Fire
FantasyAlexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his lifeless world turned upside down when he wakes up with a girl sleeping beside him. The girl named Am...