10 Training

13.1K 493 48
                                    

Amara's POV

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon upang ika'y magbalik." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.


"Bakit Tita?" takang tanong ko.


"Hindi ka pa handa. Hindi mo pa napapalabas ang iyong kapangyarihan. Hindi ka makakatagal sa mundong iyon kung mahina ka, kailangan mo munang maging malakas para kapag ika'y nagbalik ay hindi ka huhusgahan at upang maipagtanggol mo ang iyong sarili sa kapahamakan," paliwanag niya.


Napasimangot na lang ako. Okay fine! Akala ko pa naman diretso na kami sa Allaria. Hindi pala. Nandito ako sa bahay ni Tita Zelle ngayon. Sina Mama at Papa naman, nakaalis na.


"Maghanda ka, bukas na bukas ay sisimulan na natin ang pagsasanay. Dito ka na muna tumira pansamantala para mas maging focus ka sa training."


"Yes, Tita," disappointed kong saad.


***


Nagising ako dahil sa isang malakas na tunog. Ang lakas-lakas naman! Napabalikwas ako ng bangon at tiningan ang oras. 3 AM?! Anong kahangalan ito?


Kahit ngarag pa ay nag-ayos na ako ng sarili, naligo, at kumain. Paglabas ko ay nakita ko si Tita na nakatayo. "Good morning Tita!" bati ko.


"Call me Master," seryosong sabi niya.


"Yes Master!" masayang saad ko kahit sa totoo lang ay antok na antok pa rin ako.


"Do exactly what I will instruct you to do," saad niya at tumango na lang ako bilang sagot. Ikinumpas niya ang kanyang kamay at nagbago ang itsura ng paligid.


"Run," sabi ni Master bago naglaho na parang hangin. Nagsimula na akong tumakbo at pinagmasdan ang paligid. Napapalibutan ng mga puno sa magkabilang parte ng daan na para bang pag pumasok ka ay makakarating ka sa gubat.


Tumakbo na lang ako ng tumakbo dahil yun ang sinabi ni Healer. Do exactly daw eh!


***


Makalipas ang tatlong oras ay hindi pa rin ako tumitigil ng pagtakbo. Ito lang ba ang training? Psh. Easy!


***


Kaya ko pa! Limang oras pa lang naman. Anong akala niyo susuko agad ako?


***


Pagkalipas ng lima uling oras ay patuloy pa rin ako. Siguro naman malapit na yung dulo ano?


***


Hindi ko na kaya!

Allaria: The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon