"Anak, kumain ka na. Ilang linggo ka ng nagkukulong sa silid mo. Baka magkasakit ka," nag-aalalang sambit ng Reyna Abigail. Kumatok muli siya sa pinto ngunit hindi man lang siya pinansin ni Alexander. Napabuntong hininga na lang siya dahil sa inasal ng kanyang anak.
Ilang linggo na ang lumipas ng matapos ang digmaan sa Allaria. Umurong na ang lahat ng Miletrian matapos linawin ni Amara ang kanilang mga pag-iisip. At kahit labag sa kalooban ni Ministro Greg ang pag-urong ay wala na siyang nagawa sapagkat wala siyang awtoridad sa mga Miletrian.
Unti-unting ng bumabangon ang buong lupain sa pamumuno ng emperor ang ng mga hari ng bawat kaharian. Tulong-tulong ang lahat upang ibalik ang sigla ng Allaria. Ang mga napinsala ay muli nilang naayos sa tulong na rin ng kanilang mga kapangyarihan. Ang mga nasawi ay binigyan ng parangal para sa kanilang kabayanihan. At ang kapayapaan na matagal na nilang inaasam ay kanilang nakamit na.
Mahirap man ay unti-unti na rin nilang natanggap ang pagkawala ng kanilang nag-iisang prinsesa. Hindi rin sila nagtanim ng galit o pagkamuhi dito kahit pa marami itong napaslang na mga Allarian sapagkat alam nilang kinontrol lamang ang dalaga at hindi niya ginusto ang mga nangyari.
Ang prinsipe na lamang ng Phyrania ang kaisa-isang nilalang na hindi pa rin matanggap ang nangyari. Lalo pa't siya ang tumapos sa buhay ng kanyang pinakamamahal at ng kanilang hindi pa naisisilang na anak.
"Maging matatag ka, Alexander anak. Nandito lang kami ng Dad mo para sa'yo," naluluhang dagdag pa ni Queen Abby bago tuluyang umalis. Saksi siya sa hirap na pinagdadaanan ng prinsipe. Gabi-gabi ay maririnig niya ang pag-iyak ng kanyang anak at wala siyang magawa kundi pakinggan lamang ito, sapagkat walang kahit sino ang kinausap ni Alexander pagkabalik nila galing sa digmaan, kahit pa ang kanyang mga kaibigan.
Tulalang nakaupo ang prinsipe sa sahig at nakasandal sa kanyang kama, sa loob kanyang napakagulong silid. Hindi man lang niya kinausap o pinagtuunan ng pansin ang pagtawag ng kanyang ina. Ang bigat sa kanyang dibdib ay hindi man lang nawala o nabawasan ilang linggo man ang lumipas.
Mapula na din ang kanyang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak. Napabayaan na niya ang kanyang sarili dahil sa pagluluksa at paninisi sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay wala na siyang rason para mabuhay pa.
"Kidnapper! Kidnapper ka! I'll sue you! Tulong!"
"I am not a kidnapper and just so you know, I'm the one who will sue you, Trespasser."
Napangiti ito ng maliit kasabay ng pagpatak ng luha na kanina pa niyang pilit pinipigilan ng maalala ang una nilang pag-uusap. Nagawi ang tingin niya sa kanyang lamesa at naagaw ng isang talaarawan napapalibutan ng puting kristal ang kanyang atensyon. Wala siyang naaalalang may talaarawan siya noon.
Binuksan niya ang talaarawan at nakapikit ito ng makita ang nakasulat sa unang pahina. 'Sentiments et paroles qu'Amara ne pouvait pas dire en personne pour une personne spéciale de sa vie, Alexander Blaz.' Napatingala siya sa kisame upang pigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
Hey Blaz!
Ang landi mo alam mo ba yun? Kainis ka talagaaaa!! Dare lang yun no. Napilitan lang ako. Akala mo ba kinilig ako sa'yo? It's my pleasure baby ka pang nalalaman diyan! Isa kang dakilang pafall! Mga pinagsasasabi mo talaga eh. Kapag ako naniwala diyan, baka hindi na kita pakawalan haha, char!
BINABASA MO ANG
Allaria: The Blazing Fire
FantasyAlexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his lifeless world turned upside down when he wakes up with a girl sleeping beside him. The girl named Am...