Nagising si Alexander ng wala si Amara sa kama kaya agad siyang napatayo at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Si Ezekiel lamang ang nakita niya na mahimbing na natutulog sa kuna nito kaya lumabas muna ito sandali para hanapin si Amara, dahil baka kung ano na naman ang gawin niya sa sarili.
Paglabas niya sa silid ni Amara ay kasabay rin ng paglabas ni Kate sa katabing kwarto. Aalis na sana siya ng pigilan siya nito. "Alex, san ka pupunta?"
"I'm finding Nate," maikling sagot ni Alexander.
"Alex, hindi kayo pwede, ayaw niya sa'yo. Sa'kin ka na lang please. Ako na lang. Parang-awa mo na," naiiyak na saad ni Kate.
"I don't care if she doesn't like me. I can and I will make her fall in love with me. So please, stop pushing yourself to me. I will never love you the way I love Nate. Lahat ng sinabi ko sa'yo noon, para yun kay Nate. I just thought you were her kaya ko nasabi yun, and I'm sorry kung pinaasa kita. I don't intend to," saad ni Alexander na mas ikinahagulgol ni Kate.
Hindi nila napansin na nanonood pala si Amara sa kanila. Itinikom ni Amara ang kanyang nakaawang na labi. Para siyang nabato sa kanyang kinatatayuan at kahit gustuhin niyang umalis na at wag pakinggan ang kanilang pinag-uusapan ay hindi niya magawa.
Akmang aalis na sana si Alexander ng hatakin si ni Kate at biglang halikan na ikinagulat niya ng lubos. Kasabay ng paglapat ng kanilang labi ay ang walang katumbas na sakit at init na naramdaman ni Amara sa kanyang buong katawan, lalong-lalo na ng kanyang puso... literal.
Kumawala ang isang malakas na sigaw sa kanyang bibig at napasalampak na lang siya sa lupa dahil sa panglalambot ng kanyang mga tuhod. Hawak niya ang kanyang dibdib dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay sinusunog siya ng buhay.
Agad namang naitulak ni Alexander si Kate ng marinig ang sigaw ni Amara. Nilingon niya ito at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kaawa-awang kalagayan niya. Napamura na lang ito ng biglang bumagsak ang walang malay na katawan ni Amara sa lupa.
Tumakbo siya papalapit dito at agad siyang hinawakan, ngunit nagulat siya ng maramdaman ang nakakapasong init na nagmumula sa dalaga. Kung hindi lamang apoy ang kanyang elemento ay marahil sunog na rin ang kanyang kamay.
Halos hilahin na niya ang oras para lamang makarating agad sila sa ospital. Kasunod niyang tumatakbo ang nag-aalalang si Kate. Mabuti na lamang at nakasalubong niya ang tatlong prinsipe na papunta sana kay Amara para humingi ng tawad kaya agad silang nakapaglaho papunta sa ospital. Wala na siyang inisip kung hindi ang kalagayan ng prinsesa.
Hindi mapakali ang tatlong prinsipe dahil sa nangyari kay Amara. Si Josh ay pabalik balik na naglalakad, si Vinn ay nakatayo at hawak ang kanyang sentido, habang si Philippe ay nakaupo sa isang bench at napapahilamos na lang sa mukha dahil sa pag-aalala. Kabaligtaran ni Alexander na nakatulala lamang sa kawalan habang nakatingin sa salamin na nagsesepara sa kanila sa prinsesa na napapalibutan ng sandamakmak na mga manggagamot.
Si Kate naman ay nilalamon na ng kanyang konsensya dahil hindi niya napigilan ang kanyang sarili na gawin ang bagay na iyon. Nadala lamang siya sa bugso ng kanyang damdamin.
BINABASA MO ANG
Allaria: The Blazing Fire
FantasyAlexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his lifeless world turned upside down when he wakes up with a girl sleeping beside him. The girl named Am...