40 Mortal

11.4K 463 43
                                    

Amara's POV

Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ni Blaz ay napasandal na lang ako sa pader at napapikit. Those three words keep repeating in my mind kahit na anong pigil ang gawin ko.


"I love you."


Napailing na lang ako napahinga ng malalim. Suit yourself Amara. He is just your best friend. Maling-mali na nagkagusto ka sa kanya.


Naglaho na ako papunta sa palasyo ng Allaria para makita ang mga magulang ko. Napangiti ako ng makita ang karangyaan at ka-elegantehan ng palasyo. Memories from my childhood comes rushing back to me. My memories as Natara.


Sa bawat pag-apak ko papalapit ay gumagaan ang pakiramdam ko. Agad tumungo ang mga kawal ng makita akong paparating kahit kita ang panggigilalas at gulat sa mga mata nila. "P-pagbati, mahal na prinsesa." Agad nilang binuksan ang pangunahing pinto at bumungad sa akin ang pulang carpet at nagkikinangang mga mwebles. Naglakad ako papasok at lahat ng nakakasalubong kong mga tagapagsilbi at mga kawal ay pare-parehas lang ang reaksyon- gulat at takot.


Nagtungo ako sa throne room at doon ko nakita si Maki na nagbabantay sa labas. Ng makita niya ako ay nalaglag ang kanyang panga at nanlaki ang mata. "M-mahal na prinsesa?!" Natawa naman ako sa reaksyon niya.


"Kumusta, Maki?" tanong ko pero hindi talaga siya kumukurap. "Tsk. Gandang-ganda ka talaga sa'kin eh, no?" pang-aasar ko. Siya ang gwapong tagapagbantay ko noong bata pa ako, at hindi ko maitatanggi na malapit kami sa isa't- isa.


"Ikaw ba talaga yan?" hindi makapaniwalang asik niya. Tumango na lang ako sa kanya habang tumatawa pa rin ng mahina. "Ngunit papaano ka nabuhay?"


"Basta! Bakit? Ayaw mo siguro na mabuhay uli ako no," akusa ko sa kaniya at mabilis naman siyang umiling. Ini-angkla ko na lang ang braso ko sa braso niya at natatawang hinila siya papasok. "Tara na nga, bilis!"


Binuksan niya ang isa pang double door at napangiti ako ng makitang nakaupo sa trono sina Dad at Mom. They were talking to Headmaster and the three princes- sina Vinn, Josh at Phil, kaya alam kong hindi nila masyadong pansin ang presensya ko. Namiss ko rin ang tatlong yan ah. Sumandal na lang ako sa pader at nag-cross arms habang pinapanood sila.


"Kamahalan, iminumungkahi ko na tanggalin niyo na si Katelyn sa academia. Hindi makabubuti sa kanya ng magtagal pa doon. Sabihan ko man ang mga estudyante at hindi pa rin sila papigil sa panggigipit sa bata. Galit silang lahat sa kanya dahil sa pagpapanggap na ginawa niya at ngayon ay may pagtatangka pa sa kanyang buhay dahil kay Alexander," seryosong saad ni HM. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko sila maintindihan ng maayos.


"Si Katelyn ang babaeng nagpanggap na ikaw. Tsk. Niloko pa kami ng babaeng yun," inis na bulong sa akin ni Maki. Napatango na lang ako. Katelyn pala ang pangalan niya.


"Jaycee, dinala siya sa academia hindi lamang para mag-aral. Ito ang nagsisilbing parusa para sa kasalanang ginawa nya sa ating imperyo, ang pagpapanggap na prinsesa na naging dahilan ng kamatayan ng aking nag-iisang anak. Kung iniisip mong pinapaburan ko siya ay nagkakamali ka," saad ni Emperor Lloyd. "Siya nga pala, nais kong malaman kung ano ang kinalabasan ng inyong misyong buhayin ang aking anak," utos niya.

Allaria: The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon