28 Goodbye

10.8K 468 136
                                    

Amara's POV

Galing ako sa Headmaster's office at papunta na sana sa classroom ng makita ko si Ate Rein and ang girls na tumatakbo papunta sa direksyon ko. I stopped them for a bit kaya napalingon sila sa akin. "Ate, pwede ko ba kayong makausap sandali?"


"Sorry, Ara, can we talk later? We have an urgent matter with the princess eh. Bye!"


"Ara girl, mamaya na lang okay?"


"Later Ara!"


"Huy, tara na kanina pa naghihintay si Tara!"


"San---" I was about to say something pero tumakbo na sila uli papalayo. I sighed. They were too busy to even lend me a minute. I understand them. Siguro nga importante ang pag-uusapan nila ng prinsesa.


Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa classroom at nakita kong nandoon na ang mga boys except kay Vinn. Nagtama ang mata namin ni Blaz pero nag-iwas agad ako ng tingin. Hindi ko pa ata siya kayang harapin.


"Ah, guys, pwede ko ba kayo makausap? Mabilis lang naman---"


Napalingon ako ng dumating si Vinn na ngayon ay humahangos dahil sa pagtakbo. "Pinapatawag tayo ng prinsesa. Emergency daw eh. Kaya tara na!" Agad namang tumayo sina Phil at Blaz bago humawak kay Vinn at nagteleport na papaalis.


"Dongseng, tara na," Josh offered his hand pero umiling lang ako.


"Hindi ako sasama Oppa. Sige na, kailangan ka na nila dun," I said dahilan para kumunot ang noo niya.


"Sige, babalik na lang agad ako," saad na lang niya kahit alam kong nagtataka siya kung bakit hindi ako sasama. Maglalaho na sana siya ng hawakan ko ang balikat niya. "Bakit Dongseng?"


"Oppa, magpapaalam lang sana ako," I said.


"Saan ka pupunta? Sa Allarian Palace ba? Sige lang, mag-ingat ka----"


"Uuwi na ako Oppa."


"Sa dorm ba?"


"Sa mundo ko, Josh," I said making him stop for a bit. Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako.


"Amara, nagbibiro ka ba? Hindi nakakatuwa." He looked at me seriously at napa-iwas na lang siya ng tingin ng umiling ako.


"Babalik na talaga ako Josh oppa. Sa tingin ko naman, kaya ko ng kontrolin ng maayos ang kapangyarihan ko. Nakasama ko rin kayo ng matagal-tagal din. Kaya sa tingin ko sapat na yun. Kailangan ko ng bumalik, at isa pa wala na naman akong rason para manatili pa," I said.


"Pero hindi ka pa graduate Ara! Kailangan mo munang matapos kahit man lang ang school year. Hindi ka basta-bastang pwedeng umalis!" He said and I smiled at him.

Allaria: The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon