Amara's POV
Nangungunang pumasok si Alexander Blaz pabalik sa Grand Hall. May mga nagpeperform sa stage kaya halos lahat ay nanonood. Nagawi ang tingin ko sa sulok ng stage and there I saw Vinn and Phil talking to one another. I can sense that Vinn is tensed dahil hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya.
Tiningnan ko muna si Xander at wala naman ata yung pakialam kaya lumihis ako ng nilalakaran at pumunta sa direksyon nina Vinn at Phil. Sa wari ko ay hindi nila napansin ang paglapit ko dahil abala pa rin sila sa pag-uusap.
"Mag-impromptu ka na lang bro. Siraulo ka kasi bakit mo iwinala?" natatawang saad ni Phil habang umiiling-iling.
"Hindi ka nakakatulong! Lumayas ka na nga!" inis namang saad ni Vinn bago ipagtabuyan si Phil.
"Anong meron?" I asked curiously.
"AY LIGAW!" gulat na sigaw ni Phil na ikinasingkit ng mata ko. Ligaw huh?
"Ano ba Philippe! Baka may makaarinig sa'yo. Wag kang maingay!"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila. "Uy, ano bang meron? Share naman kayo."
"Ganito kasi Ara, magcoconfess na kasi si Vinn the lover boy kay Jennica, pero ang problema, iwinala niya yung love letter niya hahaha. Sabi ko mag-impromptu na lang, ayaw naman. Pagkatapos nung dance performance ay siya na yung sunod." Saad ni Phil na ikinatango ko. Owkayyy. Manliligaw pala siya.
"Mablablangko ang isip ko Ara. Hindi ko na alam. Wag ko na lang kaya ituloy?" problemadong saad ni Vinn.
"Baka naman nandyan lang yung kodigo mo bro. Hinanap mo na ba?" tanong ni Phil. Kodigo daw hahaha.
"Syempre, ano ako sira?! Nasa table lang natin yun kanina, pero pagbalik ko galing sa buffet, wala na dun. Tinanong ko sa isang tagapagsilibi pero naligpit na daw nila."
"Patay tayo diyan. Paniguradong wala na nga yun. May incantation ang lahat ng trash bins dito kaya kapag nagtapon ka ng gamit ay maglalaho yun at hindi mo pwedeng ibalik." Paliwanag ni Phil sa akin.
"Thank you for your wonderful performance ladies. Now, let us witness a very special moment for our Air Prince." Saad ng MC na lalong ikinakaba ni Vinn. Iniabot na nung MC yung mic sa kanya para makapagsimula na siya. Biglang namatay ang lahat ng ilaw at nagkaroon ng spot light na tumutok kay Jen.
Nasa sulok kami kaya walang nakakakita sa amin dito. Alam kong sobrang kinakabahan na si Vinn habang nakatingin kay Jennica na ngayon ay gulat na gulat naman. Umawang ang labi ko ng maalala ang envelope na nabasa ko kanina. Iyon ba yun? Pati ako tense na tense na rin, jusko po.
"When I first saw you in our palace, nakuha mo kaagad ang atensyon ko alam mo ba yun? Sino ba naman ang hindi makakapansin sa sigang babaeng nang-aaway ng mga kalaro niya diba?" I whispered, enough for Vinn to hear.
Nanlaki ang mata niya ng narinig ang sinabi ko pero siniko ko siya at nilakihan ng mata para sabihing sundan na lang niya ang sinasabi ko. At first, I knew kinakabahan pa siya, buti na lang hindi siya nautal.
BINABASA MO ANG
Allaria: The Blazing Fire
FantasyAlexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his lifeless world turned upside down when he wakes up with a girl sleeping beside him. The girl named Am...