33 Ritual

11.5K 420 22
                                    


"Audrianna, stay here for a while. May kukunin lang si Kuya," Mattheus said to his little sister.


"I'll wait for you Kuya ko!  Be fast, okay?" she said. Mattheus pinched his sister's cheek making her giggle.


"Yes, my love," He said before leaving Audrianna in the Elium garden. Napangiti naman ang batang babae ng makita niya ang makukulay at mahalimuyak na mga bulaklak sa hardin. Ngunit nakuha ang kanyang atensyon ng isang itim na paru-paro. Nilapitan niya ito ngunit lumipad papalayo ang paru-paro. Sinundan niya ito, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na nakalabas na pala siya sa Elium.


She followed the butterfly until they reached the boundary of Elium and Tavira (Hell). The boundary is the territory of Amthar, the God of Life and Death, one of the supreme gods. All the deities of Elium were prohibited to go to the boundary, because their father, God Kyros, and Amthar are mortal enemies. 


Patuloy lang sa paglipad ang paru-paro at hindi napansin ng batang diyosa na palapit na pala siya sa pinakamapanganib ng parte ng boundary, ang Taprya. Ito ang lugar kung saan naninirahan ang mga Ratham, mga higanteng halimaw na humihigop ng lakas at kapangyarihan ng isang nilalang hanggang ito ay malanta at mamatay. 


Umalungong ang mga ito ng sunod-sunod ng maamoy ang halimuyak ni Audrianna. Nanlaki naman ang mata ng bata at napasigaw ng malakas dahil sa takot. "Kuya! Help!" She cried. Napasalampak na lamang siya sa lupa ng palibutan siya ng isang dosenang Ratham. Sinubukan niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan ngunit wala itong bisa dahil nasa teritoryo siya ni Amthar, at hindi pa niya kayang basagin ang pananggalang dito.


Walang kalaban-labang pinagkakalmot ng mga halimaw ang kanyang katawan at ang nagawa na laang niya at magmakaawa at umiyak. Unti-unti na rin siyang nanghihina dahil sa pagkuha ng mga ratham ng kanyang lakas.


Sa kabilang banda, ang itim na paru-paro ay nagpalit ng anyo sa isang makisig na lalaki na nakangising pinapanood ang nahihirapang bata. "Ito ang kabayaran sa pag-agaw mo sa akin kay Vera, Kyros," Amthar whispered before disappearing into thin air.


Nakangiting bumalik si Mattheus sa hardin habang hawak-hawak ang isang kahong naglalaman ng mga pambihirang alahas na regalo niya sa kanyang kapatid. Hinanap kaagad niya ang kanyang nakababatang kapatid pagdating niya. "Yanna! Come out now!" He smiled, thinking that her sister is just hiding from him. "Audrianna! Where are you?!" He shouted ng hindi maramdaman ang presensya ng kanyang kapatid.


Nanlaki ang mata niya ng marinig ang sigaw ng bata. "Kuya! Help!" Agad siyang naglaho papunta doon at nagngalit ang kanyang mga ngipin ng makita ang kaawa-awang kalagayan ng kanyang kapatid. Maputla na ang balat nito at puno ng sugat ang kanyang katawan. 


Agad niyang pinalabas ang kanyang palakol at gigil na iwinasiwas ito sa mga ratham. Walang awa niya itong pinugutan ng ulo. Isang malakas na alungong naman ang pinakawalan nito dahil sa sakit. Sabay-sabay naman siyang sinugod ng iba pa at wala na siyang pakialam kung maubusan man siya ng lakas at kapangyarihan dahil sa haghigop nito. Ang prayoridad niya ay ang mailigtas ang kanyang kapatid. 

Allaria: The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon