8 Master Healer

14.4K 583 63
                                    

I'm sorry for the delayed update guys. Nagkasakit lang kasi ako nitong mga nakaraang araw, but I'm okay na ngayon. Thank you for waiting and please enjoy.

Reina's POV

"Prince let's go dun oh! It's so beautiful there!" sabi ni Gail bago hawakan ang kamay ni Josh at hilahin papalayo. I saw how Josh's face turned red making me smile a little.


I looked away and there I saw Vinn and Jen na nasa isang cottage at naglalandian. They're talking about some stuff like marriage and the like. Speed si Vin ha.


Ella on the other hand is busy preventing Phil from flirting with a girl. "Hoy lalaki! Wag kang malandi! Hindi ka kagwapuhan!"


"Sino? Ako?! Sobrang gwapo ko kaya! Makikita mo," Phil said before walking towards a girl. He flashed his killer smile and started talking to her. I saw how Ella was annoyed when the girl laughed shyly while hitting Phil's arm softly.


Ng hindi na siya makapagtimpi, she marched towards them at hinawakan ang kwelyo ni Phil bago ito hilahin papalayo sa babae. Phil started complaining and doon nila ipinagpatuloy ang natigil na pagtatalo. Mukha silang magjowang may LQ.


Mag-isa akong nakaupo dito sa cottage habang pinapanood silang magquality time sa isa't isa. Mga batang ito talaga. Sina Ara naman at Xan nagsosolo na rin.


Napabuntong hininga na lang ako. Fine! Sila na ang may lovelife! Edi nawa'y lahat na lang. Ayos lang yan Reina. Mag selplab ka muna. Dadating din ang lalaking para sa'yo. Fighting! Mabuhay ang mga single!


Pero ang saklap talaga. Ako ang pinakamatanda sa kanilang lahat, pero bakit naunahan pa nila akong magkalovelife? Naman eh!


Amara's POV

Kinabukasan ay maaga kaming bumalik sa hospital para sa appointment namin kay Healer Gerzelle. Si Blaz lang uli ang kasama ko dahil baka paghinalaan kami kapag marami akong kasama. Nakaupo kaming dalawa sa bench habang naghihintay.


Mayroon ding ilang mga buntis dito na malalaki na ang tiyan kasama ang mga asawa nila. They look so happy while caressing their baby bump. I smiled because of the scenery. I hope they live happily.


"Misis," I looked at the woman who called at napaubo-ubo ako ng makitang sa akin siya nakatingin.


"Ako po ba?" I smiled awkwardly and she nodded in response. I saw her looked at Blaz sitting beside me before smiling.


"Napakaswerte mo sa asawa mo, sobrang gwapo. Bihira lang ang ganyan kaya wag mo ng pakawalan ha?"


I cling my arms to Blaz's making him stiffened. "Syempre naman po. Hinding-hindi ko po talaga to papakawalang lalaking ito. Akin ka lang diba?" I said while looking to his eyes.


"Totoo ba Mister?"


I saw how the side of his lips rose before meeting my gaze. "I'm yours, only yours." Walang pasabi hinalikan niya ako sa noo bago hawakan ang baywang ko at hapitin papalapit sa kanya.

Allaria: The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon