18 Friends Forever

12.7K 516 77
                                    

Amara's POV

"May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?" tanong ko kay Phil. Siya ang naghatid sa'kin dito sa room ko dahil pagkatapos ng duel namin ni Blaz ay nagwalk-out siya.


"Oo eh, babalik muna ako sa Telarria. Pagkatapos kasi ng leveling test nagkakaroon ng 5 day vacation ang mga students kaya uuwi muna ako sa amin," sagot niya na ikinalungkot ko. Maiiwan pala ako dito sa academy, dahil siguradong lahat ng estudyante ditto ay uuwi sa kanila.


Pero napangiti ako ng may maisip "Pwede sumama?" I asked with pleading eyes. Lumawak din ang ngiti niya dahil sa tanong ko.


"Matatanggihan ba kita?"nakangiting saad niya na ikinatawa ko na lang. "Kita na lang tayo sa baba Ara, maghahanda lang rin muna ako," he said before leaving.


Nagpalit muna ako ng damit. Nag tank top ako, maong shorts at gladiators para sa foot wear. Nagmessy bun na rin ako bago isinukbit ang bag sa balikat ko na may lamang mga damit. Ng matapos akong makapagprepare ay lumabas na ako at pumunta na sa entrance ng Royal Dorm. Nag lalakad ako ng makasalubong ko sina Ate Rein.


"Oh, Ara Baby, san ka?" nagtatakang tanong niya.


"Sasama kasi ako kay Phil sa Telarria, Ate," sagot ko.


"What?! Bakit hindi ka na lang sa'min sumama?! Sa Ventusia na lang tayo Ara!" sabat ni Jen.


"Sa Saphirius na lang! Mas maganda dun girl, promise!" sabi naman ni Gail.


"Oo nga! Oo nga! Mas maganda sa kaharian namin," sang-ayon ni Josh.


"So sinasabi mo bang hindi maganda ang kaharian namin? Mas payapa sa kaharian namin no!" inis na sigaw ni Vinn.


"Anong nangyayari dito?" tanong ni Phil na kasalukuyang naglalakad papunta sa direksyon namin kasama si Ella. "Oh baby girl! Nandito ka lang pala."


"Hoy Philippe! Wag mo ngang solohin si Ara! Hindi mo man lang sinabi sa'min! Traydor ka!" madramang sigaw ni Josh na ikinatawa ko na lang. "Ara,sa'min ka na lang sumama. Lalandiin ka lang niyang babaerong yan," dagdag pa niya na mas ikinalakas ng tawa ko. Si Phil naman ay tumingin ng masama kay Josh bago ito ambahan ng suntok.


"Wag mo nga akong siraan! Ibaon kita sa lupa eh," inis na saad ni Phil pero dinilaan lang siya ni Josh.


"Guys ano ba kayo! Parang mga bata eh," saway ni Ate Rein. "Why don't you ask Ara kung saan niya gustong pumunta diba? Kesa mag-away pa kayo diyan." Liningon niya ako. "So Ara Baby, saan mo ba gustong sumama?" she asked.


"Pwede bang sa lahat? 5 days naman yun diba? Basta ba i-tour niyo ako ha?" I smiled making them smile too.


"Gusto ko yan Ara! Hihintayin ka namin ha?" Jen said, and I nodded in response.


"Ayos na ba?" inip na tanong ni Phil. "Pwede na ba kaming umalis? Panggulo kayo eh! Sa amin lang sana, nakigulo pa kayo!" inis na sabi ni Phil. "Tara na!" tawag niya sa amin ni Ella. Liningon ko muna sila at nagwave ako bago kami tuluyang umalis.

Allaria: The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon