25 Share Your Pain

10.6K 469 125
                                    

Amara's POV

"Uy! Ate! Nakikinig ka ba?" sigaw ni Chacey. Nakahalumbaba ako na nakatingin sa kanya. Bumuntong hininga ako.


"Ano nga uli?"


"Sabi ko balitang-balita ngayon na ikakasal na si Prinsesa Natara sa isa sa mga prinsipe," she said.


Ikakasal? Hindi naman pwede kay Vinn dahil girlfriend na niya si Jen. Si Phil naman narealize na niya na may gusto siya kay Ella kaya alam kong hindi siya papayag. Lalo-lalo naman si Josh dahil alam na naman ng lahat na may gusto siya kay Gail. Isa lang ang posibleng ikasal sa kanya. At nanghihina ako sa isiping iyon.


"Sino sa kanila?" I asked. I mentally slapped myself because of my question. Seryoso Amara? Itatanong mo pa talaga yun? Eh alam mo naman talaga kung sino diba? But still, I want to confirm it. Malay mo naman diba?


"Ang prinsesa daw ang bahalang pumili ng gusto niya, pero halatang halata naman kung sino diba?"


"Sino nga?" tanong ko dahilan para bigyan niya ako ng 'hindi ba obvious look'.


"Edi ang Fire Prince, si Prince Alexander. Bagay na bagay naman kasi talaga sila eh," she said kasabay ng pagtahimik ng buong Dining Hall. Napalingon ako sa entrance at doon ko nakita ang pagpasok na mga Masters. Nasa harap nila si Natara na nakakapit ngayon sa braso ni Blaz.


"Yieee! Kinikilig ako!" Chacey squealed. I smiled sadly. Bagay nga sila. Blaz looked better than before. He has this glow that he only got when he saw the princess again. Wala na ang malamig at nakakatakot na aura sa kanya. I'm happy for him, really.


I'm just sad. It hurts to see them happy without me. It hurts to know that they already forgotten my existence in just a blink of an eye, but we need to accept that nothing is permanent in this world. We are all replaceable. That is the reality.


Nilihis ko na lang ang tingin ko at nagfocus na lang sa pagkain. Chay continued to talk and tell me things about the wedding of the princess. Kung gaano siya kaganda, kung gaano siya kabait, at kung ganno sila kabagay ni Blaz. She even asked me how their children look like in the future. And all of that hit me big time.


Napaub-ob ako sa mesa dahil ramdam ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak. My heart is in pain right now. Too much pain to handle. I can't really understand men. Bakit ganon na lang kadali sa kanilang magpalit? They would make a girl feel special, then they will leave and act like it's all nothing.


Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Kaya mo to Amara! Walang magagawa ang pagmumukmok mo. Kapag ba umiyak ka may mangyayari? Mastre-stress ka lang lalo. Kaya wag ka ng umiyak.


Itinaas ko ang mukha ko at nakita ko si Chay na malungkot na nakatingin sa akin. Her eyes are full of guilt and regret. "Ate, sorry," bulong niya. "Sorry kung insensitive ako. Nalimutan ko kasi na may something kayo ni Prince Xander bago dumating yung prinsesa. Sorry kung nasaktan kita."


"Ano ka ba! Ayos lang ako. Nandito ka naman kaya ayos lang ako," pagkumbinsi ko sa kanya, pati na rin sa sarili ko.

Allaria: The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon