"Malaki ang naging pinsala ng pag-atake ng mga Miletrian sa kapital, kamahalan. Marami ang nasawi at mga sugatang mamamayan at mga kawal. Isa lang ang ipinapahiwatig nito," saad ni Maki. "Nagdedeklara na sila ng digmaan sa ating lupain, Emperor Lloyd."
Nandito ang Emperor at mga hari ng apat na kaharian sa silid-pulungan ng Allaria para sa isang pagpupulong patungkol sa pagdedeklara ng digmaan ng mga Miletrian. Nandito rin si Amara at Alexander na tahimik na nakikinig sa pagpupulong. Ipinagtataka ni Amara kung bakit silang dalawa lang ni Xander ang pinatawag at hindi kasama ang tatlo pang prinsipe.
"Ano ba ang kanilang layunin? Kung nais nilang sakupin ang Allaria ay napakababaw naman nila! Napakalaki ng Miletria at hindi maipagkakailang makapangyarihan ang lupaing iyon. Bakit kailangan pa nilang makipag-gyera sa atin?" nagtitimping saad ni Haring Xavier ng Phyrania.
"Walang nakakaalam Xavier, at hindi na mahalagang malaman ang kanilang layunin. Ating pagtuunan ng pansin kung paano magwawagi sa digmaan. Hindi maaaring malupig ang ating lupain," saad naman ni Haring Clarence ng Telarria.
"Hindi ba't sinabi ni Cita na tayo ang mananalo? Wala tayong dapat ipangamba," sambit ni Haring Edmon ng Saphirius.
"Nagbago ang aking pangitain." Nalipat ang atensyon ng lahat sa bagong dating, si Cita.
"Anong ibig sabihin mo, Cita?" kunot noong tanong ni Emperor Lloyd.
"Hindi na sigurado ang ating pagwawagi sapagkat nagulo na ang hinaharap. Nakasalalay sa isang natatanging nilalang ang kapalaran ng ating lupain, at ipagdasal niyo na maging tama ang kanyang desisyon," sagot niya habang nakatingin kay Amara ng makahulugan.
"Sinong nilalang? Kailangang makausap natin iyon," saad ni Haring Xavier.
"Ang nagbabagang apoy," saad niya bago lapitan si Amara at hawakan ang sentido nito. Makalipas ang ilang sandali ay lumayo na si Cita at malungkot na nginitian si Amara bago maglaho ng tuluyan. Puno ng takot at pangamba ang mga mata ni Amara na ipinagtaka ni Alexander.
"Kailangan na nating maghanda. Dagdagan natin ang pagsasanay ang ating mga kawal at simula ngayon ay pati ang mga mamamayan na maaaring lumaban ay sasanayin na rin. Hindi maaaring umasa na lamang sila sa mga kawal at dugong-bughaw. Kailangan nilang matutunang proteksyonan ang kanilang mga sarili," saad ni Haring Clarence na sinangayunan naman ng lahat.
"Alexander, Natara," tawag ni Emperor Lloyd sa dalawa. "Hindi lingid sa kaalaman ninyong dalawa na binabalot na ng takot ang ating mga mamamayan dahil sa mga pangyayaring ito. Nais kong tanggalin ninyong dalawa ang takot na iyon sa puso ng mga Allarian at kayo ang magsilbing pag-asa para sa kanila. Na sa kabila ng mga kaguluhan ay tayo ay nagkakaisa at nananatiling matatag."
"What do you want us to do, Emperor Lloyd?" tanong ni Alexander. Kitang-kita ng mga makahulugang ngiti ng Emperor at hari ng Phyrania habang nakatingin sa kanilang mga anak na ikinakunot ng noo ni Alexander.
"We will continue the postponed engagement of my son to the Allarian princess," pahayag ni King Xavier sa lahat. Nagulat si Alexander ngunit unti-unting namuo ang ngiti sa kanyang mga labi ng maintindihan ang sinambit ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Allaria: The Blazing Fire
FantasyAlexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his lifeless world turned upside down when he wakes up with a girl sleeping beside him. The girl named Am...