Nanghihinang bumalik si Alexander sa kanyang silid at pagod na humiga sa kanyang kama. Tulala lamang siyang nakatingin sa kisame habang iniisip ang mga naganap sa kanya ngayong araw. Mahigit isang linggo rin silang nagtagal sa gubat para lamang makausap ang diyos ng kaguhuhan at humiling na mabuhay muli ang pinakamamahal niyang prinsesa. Ngunit nawalan lahat ito ng saysay dahil hindi niya naibigay ang kapalit na nais ni Amthar para mabuhay si Amara, ang kaluluwa ni Katelyn.
"You can't fool me anymore. You are not Amara, and you will never be," malamig na saad ni Xander matapos niyang matalo ang babaeng nagpapanggap na Amara. Nagbago ang anyo nito at naging isang babaeng may sungay at buntot. Nakangisi itong tumungo sa prinsipe bago ibalik ang tingin dito.
"Binabati kita prinsipe. Ikaw ang kaunaunahang nagtagumpay na makapasok sa kweba ni Amthar. Natutuwa ako at hindi ka napagaya sa mga bangkay na inyong nakasagupa. Dati rin silang mga nabubuhay na nilalang na sumubok humiling sa aking panginoon, ngunit hindi nagtagumpay," saad ng babae. "Sumunod ka sa akin."
Walang sali-salitang sumunod si Alexander sa babae at mayamaya ay narating nila ang dulong bahagi ng kweba kung saan matatagpuan ang kulungan ng diyos ng kaguluhan. Ramdam na ramdam ng prinsipe ang lakas ng presensya at awtoridad ni Amthar dahilan para manikip ang dibdib niya.
"Panginoon, may bisita kayo," saad ng babae. Dahan-dahang lumingon si Amthar at napahigpit ang hawak ni Alexander sa kanyang espada dahil sa matinding intimidasyon.
"Maligayang pagdating sa aking kweba, Prinsipe Alexander Blaz ng Phyrania," tumaas ang balahibo ni Xander dahil sa lamig at panganib ng boses nito. "Ano ang dahilan ng iyong pagparito? O mas tama bang sabihing... ano ang iyong nais hilingin?" ngumisi ito ng dahan-dahan at sinalubong ang nagbabagang tingin ni Xander. "Nais mo bang buhayin ang iyong sinisinta? Amara, hindi ba?"
Natigilan siya sa narinig dahil wala na pala siyang dapat ipaliwanag pa dahil alam nang lahat ni Amthar ang kanyang nais hilingin. "Resurrect her." Nagulat pa siya ng hindi man lang kahihimigan ng takot ang kanyang boses at buo pa niyang nasabi ito sa kabila ng katotohanang kaharap niya ang isa sa mga kataas-taasang diyos.
"Bubuhayin ko siya gaya ng nais mo, ngunit hindi ako gumagawa ng isang bagay na walang kapalit, prinsipe," nakangising saad na ni Amthar na ikinapagngalit ni Alexander. Sa isip-isip niya ay ito na ba ang kapalit na sinabi sa kanya ng kanyang propesor? Ngunit wala na siyang pakialam kung ano man iyon. Ang mahalaga ay makasama niyang muli si Amara. Tapos ang usapan.
"What do you want?" tiim bagang na tanong niya.
"Kaluluwa, prinsipe. Kaluluwa ng babaeng niloko ka at nagnakaw ng katauhan ng prinsesang iyong sinisinta. Napakadali lamang, hindi ba? Hindi ka na mahihirapang patayin ang babaeng iyon dahil alam kong galit ka sa kanya dahil sa panlolokong ginawa niya."
Natigilan si Alexander at umawang pa ang kanyang labi dahil sa kapalit na ninanais ng diyos ng gulo. Buhay kapalit ng buhay. Makakaya kaya niyang kumikil ng isang inosenteng buhay para lamang sa kanyang pansariling kagustuhang buhayin si Amara?
"Kita ko ang pagdadalawang-isip mo Alexander. Hindi mo ba kaya ang ipinapagawa ko? Kung gayon ay habang-buhay mo ng hindi makikita si Amara," nag-uuyam na saad na nito bago tumalikod sa prinsipe. "Maaari ka ng umalis kung wala ka ng pakay. Ginagambala mo ang aking pagpapahinga."
BINABASA MO ANG
Allaria: The Blazing Fire
FantasyAlexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his lifeless world turned upside down when he wakes up with a girl sleeping beside him. The girl named Am...