"Bilisan niyo ang inyong kilos! Ang mga bulaklak ayusin niyo!" sigaw ng punong-tagapamahala. Ang lahat ay abala sa paghahanda sa pinakamalaking kasalang magaganap sa kaharian ng Phyrania. Ang lahat ng mga mamamayan ay dadalo sa okasyong ito kaya naman pinaghandaan talaga nilang tunay ang okasyon.
Maraming nasasabik sa kasalan ngunit may ilang tutol dito lalo na't hindi pa rin nawawala ang poot nila kay Katelyn, ngunit wala naman silang magagawa sapagkat mismong hari na ng kaharian ang nagdesisyon.
Humatong sa desisyong ito si Haring Xavier sapagkat ilang taon na niyang tinitiis na makita ang kanyang anak na nagpapanggap na masaya kahit sa loob nito ay wasak pa rin ang kanyang puso. Gusto niyang sumaya muli ang kanyang nag-iisang anak at ito na lamang ang paraang kanyang naisip upang matupad ito.
"Pre, ayos ka lang ba?" tanong ni Philippe kay Alexander na malayo ang tingin. Nakasuot ito ng puting tuxedo na may disenyong pula sa kwelyo. Kulay pula rin ang kapang nakasabit sa kanyang leeg at may koronang nakapatong sa ulo niya. Sa loob ng isang buwang pag-iisip ay napagdesisyonan niyang pumayag na sa kasal. Hindi dahil mahal niya si Katelyn, ngunit para sa kanyang tungkulin sa kaharian at sa buong Allaria.
Nagkatinginan na lang sina Phil, Vinn, at Josh sa inasta ni Alexander. Tutol man silang tatlo ay wala na silang nagawa ng pumayag ang prinsipe sa kasal. Alam nilang tatlo na ginagawa lang ito ni Alexander para sa Phyrania. Naawa sila sa lagay ng kanilang kaibigan dahil simula't sapul ay palagi na lang niyang naisasakripisyo ang kanyang pansariling kasiyahan para sa tungkulin.
'Kung nandito lang si dongseng, masaya sana ang lahat.' Isip ni Josh na pormal din ang kasuotan. Napabuntong hininga na lang siya at tahimik na sinamahan ang kanyang kaibigang puno ng lungkot at pangungulila na nakikita sa mga mata. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang sabik na sabik na itong makita muli si Amara, ngunit alam din niya na kailanman ay hindi na ito babalik pa.
"Mahal na prinisipe, magsisimula na po ang inyong kasal, maaari na po kayong pumunta sa altar," nakayukong saad ng isang tagapagsilbi ngunit hindi man lang ito nilingon ni Alexander at nanatiling nakatitig sa kawalan.
Sinenyasan na lang ni Vinn ito na siya na ang bahala kaya wala itong nagawa kundi umalis na. Hinawakan niya ang balikat ni Alexander at marahan itong tinapik. "Alexander, sabihin mo lang kung nagbago na ang isip mo, tutulungan ka naming tumakas. Ayaw ko rin namang maging miserable ang buhay mo kasama ang babaeng yun," saad niya ngunit umiling lamang sa kanya si Alexander.
Tuamyo na ito sa pagkakaupo sa hagdan at nilingon silang tatlo. "I need to do this. I need to," pagkumbinsi niya sa mga kaibigan... at sa kanyang sarili. Huminga muna siya ng malalim bago maglakad patungo sa altar kung nasaan ang ministrong magkakasal sa kanya. May humaplos sa kanyang puso ng makita niya ang kanyang mga mamamayan na nakangiti sa kanya. Sila ang rason kung bakit niya gagawin ito. Para sa Allaria.
Noong kinailangan niyang saktan si Amara upang pakasalan ang huwad na prinsesa... para sa Allaria.
Noong iniwan niya si Amara sa mapanganib na bundok na iyon... para sa Allaria.
Noong tinapos niya ang buhay ng mag-ina niya... para sa Allaria.
Ngayong kailangan niyang pakasalan si Katelyn... para sa Allaria.
BINABASA MO ANG
Allaria: The Blazing Fire
FantasyAlexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his lifeless world turned upside down when he wakes up with a girl sleeping beside him. The girl named Am...