Chapter 33

26 5 0
                                    

Chapter 33

"Merry Christmas!" masayang bati ko sa kanila. Nandito parin ako sa bahay nila panot at dito kami nagsi-celebrate ng pasko. Simpleng handaan lang dahil pareho kaming ayaw ng magarbo. Nandito rin sila mom at ang mga kapatid ko. Siyempre hindi sila mawawala sa mahalagang araw na ito nuh. Umuwi sila to celebrate christmas with us kaya napakasaya ko. Minsan ko lang nakakasama ang nga kapatid ko kaya ganito nalang ang saya ko.

Idagdag mo pa ang ideyang kasama mo sa pasko ang taong mahal mo at ang pamilya nito. Wala na akong ibang hinahangad pa. Masiyado akong nalulong sa matinding pag-iisip kaya hindi ko napansin ang taong yumakap sa akin mula sa likod. Sinisinghot nito ang leeg ko kaya hindi ko mapigilang tumawa dahil sa kiliting nararamdaman.

"Merry Christmas, Love," sweet nitong sabi at naramdaman ko ang paghalik noto sa batok ko.

"Merry Christmas din, Love," bulong ko rito. Mas lalo ako nitong yinakap nang mahigpit mula sa likod.

"Ang lalim ng iniisip natin ah?" tanong nito
Napatawa naman ako saka umiling. Umikot ako paharap upang makita ang kabuuan ng mukha nito.

"Masaya lang ako kasi kasama ko ngayon ang mga taong mahal ko sa buhay ngayong pasko. Wala na akong ibang hiling pa kundi maulit ang senaryong ito." Hinawakan nito ang nguso ko saka iniangat.

"Ngunit, mas masaya kung matuto din tayong magpatawad, Love. Masaya nga tayo ngunit parang may kulang. Hindi ko ito sinasabi sa'yo patawarin ang taong 'yon. Ngunit, alalahanin mo, Love. The bible once said, bear with each other and forgive one another if any of you has a grievance against someone. Forgive as the Lord forgave you. Forget about what he did to you and to your mom. Kasi, who knows kung kailan na lang ang itatagal nila dito sa mundong ito." Tama ka nga, Panot. Ngunit, hindi pa sa ngayon.

"Give me some time to forgive him. Hindi ko pa siya mapapatawad agad sa ngayon ngunit alam kong darating din ang panahong iyon. Masakit ang ginawa niya sa'min, Love. But, Forgiveness can even lead to feelings of understanding, empathy and compassion for the one who hurt you. Forgiveness doesn't mean forgetting or excusing the harm done he dis to us or making up with the person who caused the harm. Forgiveness brings a kind of peace that helps me go on with my life."

"Very well said, Love." He started brushing my hair. Ngumiti naman ako sa kaniya tsaka inihilig ang ulo ko sa balikat niya.

Mapapatawad ko rin siya pero hindi pa sa ngayon. Hindi ko pa kaya. Kung kaya ko lang, patatawarin ko kaagad si papa. Masiyado pang sariwa ang nangyari noon. Inakis ko ang pagkakahilig sa balikat niya at umayos ng tayo sa tabi niya.

"Oo nga pala," biglang sabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya na nagtataka.

May lung anong kinulikot ito sa kanang bulsa ng pantalong suot niya. Napatingin naman ako dito ngunit bigla niya ring tinago ang kung ano mang kinuha niya sa bulsa niya. Napakunot ang noo ko.

"Here." May nilagay itong malamig na bagay sa kaliwang pulsuhan ko at may narinig akong click. Bumaba ang tingin ko sa bagay na nilagay niya dito. Isang locket bracelet na may kasamang susing kwintas. Nasa kamay ko ang bracelet habang ang susing kwintas naman ay nasa kamay niya.

"Merry christmas, Love." Ano ba panot? Naramdaman ko na naman ang malakas na tibok ng puso ko. Ikaw lang ang nakakagawa nito at wala ng iba.

"Ano ba yan. Wala akong gift sayo. Wala kasi akong maisip  dahil halos lahat na yata na sa iyo." Pati ang puso ko. Ano ba yan. Ang cheesy ko naman. Magulat nalang na may daga dito sa tabi ko.

"Ikaw lang sapat na. Wala na akong mahihiling pa." Sus. Ba't ang cheesy naman nito ngayon. Baka mamatay na ako dito sa heart attack ah. Jusmiyo baka mauna pa ako sa kaniya. Hindi, joke lang. Niyakap ko nalang siya upang itago ang kilig na nararamdaman ko tsaka napakagat labi.

"Alam kong kinikilig ka kahit hindi ko nakikita." Bwesit! Panira talaga to kahot kailan eh. Umingos nalang ako habang yakap-yakap siya.

"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin," sabi ko pagkapasok namin sa loob ng bahay. "Uuwi na sila Aya at Ellaise bukas kaya naman baka hindi ako dito makapagstay bukas. Sabi kasi nila magba-bonding daw kami at magsleep over sa bahay ni Aya. Okay lang ba sa'yo? Babalik naman ako kaagad bukas ng umaga."

"Okay. Just send my regards to them." Tumango naman ako.

Kaagad akong nagpaalam s akaniya upang mag-empake ng mga gamit na gagamitin ko bukas sa sleep over namin. Konti lang ang dinala ko dahil isnag araw lang naman 'yon at saka hindi rin gano'n karami ang nadala ko dito sa bahay nila panot dahil simula no'ng pumunta ako dito, hindi na ako pinayagan ni panot na umuwi. Pinakuha niya lang ang ibang mga damit ko sa bahay. Pumayag na din ako dahil wala naman masama. Mas gusto ko nga yon para mas makasama ko pa siya ng matagal. Ang daming nasayang dahil sa hindi namin pagkakaunawaan. Hindi natin alam na baka eto na ang huli.

"Bakit ang lalim ng iniisip mo?" biglang sbai ni panot na nasa loob na pala ng kwarto hindi ko man lang napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.

Nilingon ko siya habang umiiling-iling at saka nagpatuloy sa pag-eempake.

"Wala naman. Excited lang ako bukas dahil ang tagal din naming hindi nagkitang tatlo. Nasisiyahan na naeexcite." Sinabayan ko pa ng tawa.

"Hm. Parang ayaw na tuloy kitang papuntahin doon bukas. Gusto ko nandito ka lang." I don't know but since that day he seems a bit clingy towards me. Hindi naman nakakasakal. Nakakapanibago ngunit masarap sa pakiramdam. "Or...sumama na lang kaya ako?" Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Ohoy. Isang araw lang naman at saka girls bonding 'yon. No boys allowed." Nakita ko naman itong ngumuso saka bigla nalang dumiretso sa higaan ko at humiga. Kaagad akong pumalag.

"Hoy! Tong taong to, oo. Umalis ka nga diyan. Matutulog na ako. Bawal ka dito. Sige ka, isusumbong kita kay tita," banta ko dito ngunit mukhang hindi man lang ito natakot.

"All right. So, they will think na may nangyari sa atin and we'll get married," pa-cool nitong sabi. But... Wait? What? Maa...married? Ba't napunta ang usapan sa kasal? Juskolord!

"Aba't? Ang advance mo din mag-isip eh, noh? Ano ba! Alis ka diyan. Ako diyan eh. Isa" Nag-umpisa na akong magbilang, kunwari napipikon na.

"Dalawa." Aba't!

Sumusukong napabuntong hininga na lamang ako. Umiling na lang ako habang naglalakad papuntang banyo para maghalf bath. Paskong-pasko ang hilig parin mamikon.

Glimpse Of Memories [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon