Chapter 31Nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong tinutuluyan ko. Sinulyapan ko ang taong may gawa no'n at nakita ang mama ni panot. Agaran akong napatayo.
"My son...gising na siya!" Thanks God! After 3 months, nagising na rin siya.
Hindi na ako nag-atubili at kaagad na tumakbo papunta sa kwarto nito. Pagkapasok, napatutop ako sa bibig tsaka umiiyak na lumapit sa kaniya. Napatingin rin ito sa gawi at bahagya ring nagulat. Bakas sa mga mukha nito ang kalituhan. Alam kong sa isip nito ang katanungan kung bakit ako nandito gayong iniwan niya ako sa resort nila. Oo, sa kanila ang resort na 'yon. Kaya naman pala doon ako pinapunta ni mama. Naaalala niyo 'yong time na umuwi ako ng bahay at nakita itong may kausap na pamilyar na babae. Mama ni panot pala iyon at 'yon ang pinag-uusapan nila no'ng madatnan ko sila.
"Ni..nix," hinang-hinang sabi nito. Hindi ko na napigilan, kaagad akong lumapit sa puwesto niya saka yinakap ito ng mahigpit. Naramdaman ko naman na yinakap rin ako nito pabalik.
"I'm glad you're awake!" Kumalas ako sa pagkakayakap saka siya tinitigan sa mga mata. I can finally see his eyes again.
Nakangiti akong nagsalita habang tinititigan siua sa mga mata, "Tinakot mo ako alam mo ba 'yon? 'Wag ka na ulit mawawala sa akin huh? Kung hindi, hindi ko na kakayanin. Mangako ka sa akin." Itinaas ko ang aking kalingkingan, "Promise me."
Umiwas ito ng tingin at sa halip ay iba ang sinabi nito, "Why are you here anyway? Paano mo nalaman na nandito ako?" Hindi ako makapaniwala.
"Ayaw mo bang nandito ako?" nalulungkot kong sabi dito. Napalingon ito kaagad sa akin tsaka ilang ulit na umilinh.
"Hindi naman sa gano'n." Iniiwas na naman nito ang paningin, "nagtataka lang ako."
"Bakit ayaw mo akong titigan?" Hinawakan ko ang nguso nito saka iniharap sa akin, "Panot, look at me," utos kong sabi dito.
Gulat itong lumingon sa akin, "You're calling me panot again."
"Of course. That's my endearment to you right?" I smiled.
Ngumiti rin ito ngunit iniiwas kaagad ang paningin. Ngunit, hindi nakaligtas sa aking ang pamumula ng mukha nito. Is he blushing? So cute!
"Kinikilig ka noh?" pang-aasar ko sa kaniya. Ugh. I miss this.
Lumingon ito sa akin tsaka itinanggi ang pang-aasar ko sa kaniya.
"Hindi ah! Anong blush? Babae lang ang nagba-blush," defensive nitong sabi habang tinatabunan ang sarili gamit ang dalawang palad nito. How cute! Sarap kurutin sa pisngi hanggang sa mamula ito. Ang brutal ko naman. Kagigising lang niya alalahanin mo. Paalala ng konsensiya ko.
"Ang defensive mo naman." Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya tsaka ito pinanliitan ng mata, "Sabi mo babae lang ang nagba-blush. Edi..." Sinadya kong bitinin ang pagsasalita. Curious naman itong lumingon sa akin.
"...babae ka? Babae lang ang nagba-blush di'ba?" pang-aasar ko pa na mas lalong ikinapula ng mukha niya kaya hindi ko na napigilan na kurutin ang pisngi niya.
Napaaray naman ito tsaka pilit tanggalin ang kamay kong kumukurot sa pisngi niya.
"Aray! Ang sakit! Isa!" Babala niya. As if matatakot ako.
"Dalawa." Dumila ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na kami na lang pala dalawa ang nandito. Hindi ko napansin na lumabas na pala sila tita at Jace. To give us some privacy maybe.
"Ayaw mo talaga huh." Sa isang iglap lang ay naihiga ako nito sa kama at nasa ibabaw ko na siya. Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Kakagising palang niya pero ang lakas na niya.
BINABASA MO ANG
Glimpse Of Memories [On-going]
Teen FictionA plagma love story of Annixa May Lee and Vladimoure Cole . . . Unexpected dreams will come into realities but it will fade and will become a memories. Someone you treasure... Someone you love... And Someone who will fly like a dove. Saying goodb...