Chapter 21: Confused

243 159 147
                                    

A/N: Sorry for the super late update. Happy reading🤗


******


Chapter 21


Annixa's POV

Ilang araw na ang nagdaan mula nung nangyari ang mga pangyayari iyon. Ilang araw narin akong nag-iisip kung anong ibig sabihin ng mga katagang 'yon.

Bukas na rin magaganap ang mr. and ms. Ict University. Todo practice naman kami, bago at pagkatapos ng klase. Ang sakit sa mata ng nasa harap ko. Kada break kasi ng practice ay lumilingkis itong si Amber kay Vlad. Eto namang si Vlad parang ok lang yata sa kanya at 'yon ang masakit.

Kaya sa tuwimg magpapractice kami, hindi na lang ako titingin sa kanila banda kasi hindi ko na kaya ang sakit.

Gusto ko siyang lapitan at itanong kung anong ibig sabihin ng mga katagang iyon. Pero sa tuwing nagkakaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya, nakabuntot naman palagi itonh si amber sa kanya.

I choose not to ask anymore. Wala lang naman siguro 'yon.

"Hey wazzup, anong tinutunganga mo diyan. Nagagwapohan ka na sakin nuh?", bumalik ako sa realidad ng magsalita itong taong nasa harap ko.

Nalimutan kong nasa canteen pala ako at kasama ko itong si Jace na kumakain.

"Pfft. As if." tawang sabi ko dito sabay kagat ng kinakain kong burger.

"Bakit 'di ba?", nagpapacute nitong sabi. Nilagay pa nito ang dalawang kamay sa ibaba ng nguso nya at pumipikit-pikit pa.

Muntanga lang.

Natawa naman ako dito at sumang-ayon nalang.

"Oo na. Gwapo ka na." napipilitan kong sabi pero may ngiti sa labi.

Ngumiti naman ito ng matamis at tinaas-taas ang dalawang kilay pagkatapos ngumiti sa'kin ng nakakaloko. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya at nagtanong.

"What's that face?" I asked him.

"Oi! Tumatawa na siya." sabi nito.

"Tumatawa naman ako ah." sabi ko din dito.

"Don't me Nix. I know you." mula sa pagngisi ay sumeryoso ang mukha nito, "I know what's bothering you. I know na may mali sa mga ngiti mo this past few days and I know who's the reason behind that." seryoso nitong sabi.

Nagbaba naman ako ng tingin at napatigil sa pagkain.

"I'm okay." I said to assured him.

"Don't deny it Nix. I told you, I know you." napaangat ako ng tingin dito at ngumiti ng sincere.

"I'm just here you know. You can make me your crying shoulder." sabi nito at pinat pa ang balikat, "Wag mo nga lang basain masyado." pagbibiro nito. Loko.

Natatawa naman akong nag-angat ng tingin sa kanya at pagkatapos ay ngumiti ng matamis.

"Thanks Jace", pagpapasalamat ko dito.

Glimpse Of Memories [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon