Chapter 8: Hurt

384 252 107
                                    


Chapter 8

"Hi Nix"

Nanlaki ang mata kong sabi "Jace? Anong ginagawa mo rito? Dito ka na mag-aaral?" Takang tanong ko.

"Yes. Actually, magpapaenroll pa ako and I ask Ellaine to accompany me to the principal's office."

"Okay. I gotta go Ellaise. It seems like you were accompanying Jace towards the principal's office."

I must stay away from him as much as possible. I was about to walk away when suddenly Ellaise grab my hand and pull me towards them again.

"Wait! Maybe, you should do it. I actually remember that I have other things to do today. It is really important. So, can you accompany my brother to the principal's office? Please Nix" nagpacute pa talaga ito.

"What? I'm going to be late na for my class Liz" sabi ko. Totoo naman talagang mala-late nako. Partly, I just want to
avoid him. No, I must avoid him.

"Eihh sige na please Nix. Ikaw lang kasi ang mapagkatiwalaan ko eh at tsaka magkakilala naman kayo. Baka mawala pa si kuya sa laki ng university nato" srsly? Mawala pssh. Parang bata.

"It's okay Ell. I can manage. Siguro di naman ako mawawala kung magtatanong tanong ako right?" Napatigin ako at napairap sa kanya. Pabebe pa boi.

"Don't be so pabebe nga. Let's go na nga lang. Sasamahan na kita." napangiti naman ito sa sinabi ko.

"Thanks Nix. I see you on class, k?" Sabay kindat na sabi nya. Ito talaga parang tanga.

Naglalakad na kami papunta sa Principal's office. Medyo nagpapahuli akong maglakad sa kanya ayoko kasing magkasabay kaming maglakad. Pinagmasdan ko ito at di ko maiwasang purihin ang kanyang suot. Sobrang gwapo nito pormadong pormado ito sa suot na black faded jeans at black shirt na pinaresan ng black sneakers shoes. All black na black ang dating eh. Wala pa kasing uniform basta new students ka. Ipapatahi pa kasi dito sa sariling school talaga at di ito nabibili sa kahit na anong store.

Tahimik lamang kaming naglalakad. Nagkailangan pero parang ako lang yata ang naiilang. Ang casual kasi nito kung kumilos.

Napatigil ako sa paglalakad nang may mabunggo ako

Napaangat ako ng tingin. Sya lang pala yung nabangga ko. "Bat ka tumigil?" Tanong ko. Nabangga tuloy ako. Ang sakit kaya ang lapad kasi ng likod nito.

"Bat di ka sumasabay sakin sa paglalakad?" Takang tanong nya. Duhh nagtanong pa sya. Iniiwasan kaya kita at mas lalo n ayoko ng isyu. Alam nyo naman na kilala ako dito bilang isang dakilang NERD at tawagin nanaman nila ako na asyumera. Ayoko ng away.

"Sumasabay naman ako ah" pilosopong kong sabi

"What I mean is bakit di ka tumatabi sakin sa paglalakad?"

"Wala lang, bawal ba? Ayoko lang ng isyu" nagtataka naman itong tumingin sakin.

"Isyu? They dont even know me."

"They don't know you but they know me. You don't know kasi kaya manahimik ka nalang para makarating kaagad tayo sa pupuntahan natin." mapipikon na talaga ako sa lalaking ito. Ang daming tanong eh

"Okay I'm sor--" pinutol ko agad sya.

"Wag ka na magsorry. Dalian mo na dyan." binilisan ko nalang ang lakad ko para makarating ahpgad kami. Bakit ba kasi ang layo ng Principal's office sa college building. Dapat kasi nilagay nila ito between the high school and college building eh.

"Galit ka ba sa'kin?" napatanga ako sa kanya.

"What? What do you mean?"

"About what happen 2 years--"

"Wag na natin pag-usapan yon. Matagal na yun Jace." iniwas ko ang paningin ko sa kanya. Ayokong makita niya ang nangingilid kong mga luha.

"To answer your question" tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Not showing any emotion "No, I moved on."

Nagpaalam kaagad ako sa kanya pagkarating namin sa Principal's office. Naiiyak na kasi ako.

Naglalakad na ako pabalik nang tawagin na naman ako nito. Ano ba naman yan Jace? Tama na please.

"What?" I answered without looking at him.

"I want you back." sinserong sabi nya.

Di ko na kinaya at tuluyan na syang tinalikuran. He wants me back? WTF. Is he playing with me again? Well, try harder Jace. Hindi mo na ako masasaktan uli.

After class,  I try my best not to cross path with Jace again. Ayoko syang makita. Kung pwede nga lang habang buhay.

Nandito ako sa paborito kong tambayan. Dito ako laging tumatambay kasi wala masyadong tao at napakatahimik.

******


To be continued...


Bug Out😉

Glimpse Of Memories [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon