Chapter 34
Simula kaninang alas otso ng umaga na ako nakarating dahil ayaw akong pakawalan ni pabot mabuti na lamang at napigilan siya ni tita. Wala siyang nagawa kundi ang paalisin ako. Baliw talaga yon. Akala naman niya mawawala ako habang buhay. Pagkarating ko sa subdivision sa lugar kung saan nakatira ngayon si Aya, iniwan ko muna doon ang aking maleta at saka nagdrive papuntang airport. Malapit lang ang airport dito kaya naman mga after 25 minutes nando'n na ako. 9:30 pa naman ang departure nila kaya oks pa.
Pagkarating sa airport, umupo muna ako sa waiting area kung saan sila banda lalabas. Nagscroll muna ako sa social media hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Halos 9:30 na kaya tumayo na ako at hinanda ang banner na ginawa ko kagabi para sa dalawa. Ang nakalagay doon ay 'Welcome back, monkeys!' na may design na saging sa gilid. Siguradong magugustuhan nila ito. Mark my sarcasm, please.
After 5 minutes kaagad nahagip ng mata ko ang paglabas ng isang matangkad af fashionistang babae at sa tabi naman niya ay hindi masiyadong katangkaran pero pareho ring fashionista base sa damit na suot nila.
"Aba't! Tigasin ah," bulong ko habang tinatanaw ang dalawang papalabas. Mas tinaas ko pa ang banner para makita kaagad nila na mukhang effective dahil nakita ko ang pagsulyap fito banda ni Ellaise. Dahil matangkad siya, alam kong siya kaagad ang makakapansin nito. Imbis na tuwa ang makikita ko sa mukha niya ngunit isang naiinsultong expression ang nakabakas dito na expected ko na mangyayari.
Kinalabit nito si Aya saka tinuro kung saan ako banda. Katulad ni Ellaise ay busangot din ang mukha nito. Humalakhak ako saka sumigaw.
"Welcome back, Monkeys! Wala bang miss hugs diyan?" Nilakihan ko pa ang ngisi na lalong mas ikinabusangot ng mga mukha nila. Ngunit, mula sa pagkabusangot ay napalotan ito ng ngisi saka may kung anong binulong si Ellaise kay Aya. Nagulat na lamang ako ng bigla silang tumakbo papunta sa...direksiyon ko? Sa direksiyon ko? Bago ko pa maiproseso ang lahat nahuli na nila akong dalawa saka pinagpalo-palo. Imbis na mainis ay natuwa pa ako.
"Nagustuhan niyo ba ang banner ko?" sarkastiko kong sabi sabay ngisi ng nakakaloko. Umakto naman silang hahampasin ulit ako ngunit kaagad ko silang pinigilan. "Op-op! Todo effort kaya ako sa pagdrawing ng saging. Alam niyo naman na hidni ako magaling sa ganiyan kaya ma touch kayo dahil dinrawing ko yan. Ang hirap kaya," kunwaring reklamo ko.
"Baliw ka talaga. Anong mahiral do'n, eh, saging lang naman yan. Alam mo, kunwari ka pa eh."
"Ganda ng bungad mo, bes. Grabeh! Na-touch kami."
Ang sarcastic naman. With effort yan ah! Walang utang na loob.
"Wag na kayo magreklamo. Meron akong pasalubong sa inyo. Oh, diba? Ako pa may pasalubong kahit na kayo ang umalis ng bansa. Asan na ang chocolate ko?" singil ko sa kanila. Bago kasi sila umuwi, nagpabapn ako ng dadalhin nilang pasalubong sa akin.
"Gaga. Eh, kung umuwi kaya muna tayo sa bahay. Pinagtitinginan na tayo oh. Baliw." Grabeh makabaliw tong si Aya ah.
"Oo na. Kayo lasi ang ingay niyo." Naglakad na kami papalabas ng airport. Tinulungan ko pa si Ellaise sa pagdala ng mga maleta niya. Akalin mo, tatlong maleta. Jusmiyo! Para namang dinala niya lahat ng mga bilihan sa bansa. Sa akin yong isa, sa kaniya naman yong dalawa. Syempre isa lang sa akin. Sa kaniya naman yon.
Pagkarating sa parking lot, binuksan ko ang trangkahe ng sasakyan saka doon nilagay ang mga maleta nilang kay bigat. Bago nagdrive papauwi, kinuha ko muna ang pasalubong na binili ko para sa kanila.
"Oh, wait. I forgot!" Pinausog ko si Ellaise dahil naiipit na niya ang regalong ibibigay ko sa kanila. "Bit, before you open that one. Hintayin niyo munang makauwi tayo. It's a surprise."
BINABASA MO ANG
Glimpse Of Memories [On-going]
Teen FictionA plagma love story of Annixa May Lee and Vladimoure Cole . . . Unexpected dreams will come into realities but it will fade and will become a memories. Someone you treasure... Someone you love... And Someone who will fly like a dove. Saying goodb...