Chapter 22: Courting

247 165 136
                                    

Chapter 22


We stayed there for more than an hour. We were just sitting by each other side at walang nagsasalita sa amin mula pa kanina.

Hindi rin mawala ang kilig na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya kanina pero hindi ko pinahalata dito. Pigil kong mapangiti ng lumapad kaya kinagat kagat ko nalang ang aking labi upang pigilan ang pagngiti.

Bumalik ako sa realidad nang marinig ko itong tumikhim.

Sa wakas, may nagsalita din sa aming dalawa. I felt a little bit awkward pero bakit nga ba ako ang makaramdam nito 'di naman ako ang nagsabi ng..... Ahmm wala. Wag na nga.

"Sooo.... Ahm. Uwi na tayo. Ihahatid na kita." aya nito sa akin habang tumatayo at pinagpagan ang sarili pagkatapos ay inilahad ang kanyang palad sa harap ko.

Napatingin naman ako dito at nag-alanganin pang tanggapin ngunit kalaunan ay tinaggap ko rin.

Lumakad na kami paalis at ramdam kong di parin niya binibitawan ang pagkakahawak sa aking kamay. Hindi ko ito kinalas dahil gusto ko rin naman. Napakalambot ng kanyang mga kamay at napakasarap hawakan.

Naramdaman kong bahagya nitong pinisil ang aking kamay kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko itong nakatitig sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa magkahawak naming kamay.

Tumingin nalang ako sa harap at patagong kinagat ang pang-ibabang labi. Naramdaman ko ring namumula na ang aking mukha at pati na rin siguro ang aking tenga. I heard him laughing kaya mas lalong namula ang pisngi ko.

Nakakahiya!!

Baka akalain pa niya na gusto mong hawakan ang kamay niya dahil kanina ka pa nakatitig. Jusko naman self.

"I hope you don't mind." natatawa nitong sabi sa akin.

Sumagot naman ako dito habang nakatingin parin sa harap.

"Don't mind what?", imbis ay tanong ko kahit na alam ko kung anong ibig niyang sabihin.

"Me, holding your hand. I want to hold your hand and also I want to hold you forever." bigla-bigla nitong sabi na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Napatigil din ito sa paglalakad at hinarap ako nang 'di parin binibitawan ang mga kamay ko.

He lean a bit para magpantay ang height namin at magtama ang aming paningin. After that, he stared at me with a hint of amusement on his face.

Nanlalaki ang mga mata kong tumitig sa kanya pero kalaunan ay umiwas din.

"U-umuwi na tayo. A-ahm, gumagabi na k-kasi", sa kabila ng aking pagkailang ay may naiutal pa akong salita.

Umatras ako ng isang hakbang pagkatapos ay nilampasan siya at magpapatuloy na sana papunta sa parking lot nang hinigit ako nito kaya napasandal sa kanya. Ang mga bisig nito ay nakapulopot sa magkabila kong bisig na tila binabawalan akong kumawala.

"A-ano bang ginagawa mo. Vlad-" biglang naputol ang aking sasabihin when he suddenly turn me around kaya napaharap ako sa kanya after that he suddenly kiss me. In the forehead. Then, he uttered the words that I can't imagine that he would say.

"Can I court you?" he said pagkataoos ay umiling ito, "No, let me rephrase that." tinitigan ako nito ng madiin.

"I will court you whether you like it or not." sabi nito kapagkuwan ay hinalikan ang tungki ng ilong ko.

******

Hindi ko alam kung anong nangyari basta inumpisahan na lang akong ligawan ni panot. Yes, back to panot again. I like calling him panot than Vlad. It's like my endearment to him.

Glimpse Of Memories [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon