Chapter 35

26 6 2
                                    

Chapter 35

Ethan's POV

"YOU're planning what?!" gulat na gulat naming tanong kay Vlad bro. May pinaplano siyang hindi namin inaasahan, ngunit alam ko namang maganda rin ang gkalalabasan. Kaya lang...

"Seryoso ka ba, bro?" tanong ko ulit. Nandito kami sa bahay nila ngayon dahil bigla kaming pinatawag ng isang to dito dahil balak daw niyang  magpropose kay Annixa. Mamaya pa ang uwi ni Annixa galing sa bahay ng kaibigan niya kaya naman nagpaplano kami ngayon. Ngunit, hindi talaga ako mapakali dahil alam kong wala ng oras at nagbabalak pa siya sa bagay na 'yon. Kawawa si Mareng Annixa kung nagkataon.

"Oo naman. Bakit sa tono ng pananlita niyo parang ayaw niyong pakasalan ko siya ah?"

"Hindi naman sa gano'n bro. We all know the reason why and paano na lang si Annixa?"

"Tama. Saka kailan mo ba balak sabihin sa kaniya ang katotohanan?" Bullshit!

"Naghahanap pa ako ng tiyempo. Ang hirap sabihin sa taong mahal mo ang bagay na 'yon. Hindi kayo makarelate kasi hindi pa kayo nagmahal. Kaya hindi niyo ako naiintindihan eh." Edi, ikaw na ang may jowa. Sana lahat.

"Harsh, bro." pabirong sabi ko. Natawa naman ito ngunit agad na bumalik sa pagiging seryoso. Alam kong tensyunado ito ngayon. This is his frist time proposing and sa first and true love niya pa. Akalain mo nga naman. Ang bilis ng panahon. Madami na rin ang pinagdaanan niya kaya dapat lang na maging masaya siya ngayon. He deserve it more than others. Putcha! Naiiyak na naman ako sa naiisip. Parang tumugtog yata yong kanta na "Oceans" sa tenga ko kaya mas lalo akong naiiyak.

"Of course. Tutulungan ka namin. Ikaw pa ba. Just tell us when and what kind of wedding you want. Kami na ang bahala sa ibang mga detalye," suhestiyon ni Leo na sinang-ayunan ng lahat. So? It's settled then?

"You got us, bro."

Namumula ang mga mata nito nang humarap ito sa aming gawi na ikinagulat naming pareho. Is this for real? The almighty Vladimoure Cole is fucking crying right now! I mean he's crying. In front of us! The last time we saw him crying is because of Nix and now? I can't believe my eyes.

"Thanks, guys." Napa-aw naman kaming lahat saka sabay-sabay kaming nag group hug.

"Reunion, eh?" Masiyado yata kaming nadala sa moment naming tatlo dahil hindi namin namalayan ang pagdating ni Annixa. Narinig niya kaya ang pinag-uusapan namin? Sana naman hindi. Baka mabulalyaso pa ang plano.

"Hey, love!" Edi kayo na sweet.

"Hey! Tatawagin ko sana kayo para kumain pero nadatnan ko kayong nagla lovey-dovey at mukhang nadisturbo ko pa yata kayo." Biro yon pero parang nasusuka ako.

Oo nga pala, nandito kami sa bagong bahay nila Vlad bro at Annixa. Kahit hindi pa sila kasal ay nagsasama na sila sa iisang bubong. Pinlano na nila ito dahil ayaw daw nilang mawalay sa isa't-isa. Bumabawi mga koys. Ilang yeara din silang may misunderstanding kaya hayaan na natin.

"Biro yon Nix?" natatawang tanong ko. Ngumingiti naman itong tumingin sa akin.

Akala ko ang isasagot nito ay oo ngunit akala ko lang pala.

"Hindi." Saka naman ngumisi si Vlad sa amin. Akala naman niya hindi siya kasama.

"Maglovey-dovey lang kayo diyan pero wag niyong isama si panot," pagtatanggol pa nito.

Magsama kayong dalawa. Makaalis na nga.

Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Leo.

"Sabay na tayo, labs!" Puchaks!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Glimpse Of Memories [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon