Dedicated to NoirRinette
A/N: Ngayon ko lang napansin namagkaparehas pala ng apelyido si Ellaise at Vlad HAHAHA. Di po sila magkapatid ang magkapatid po ay si Ellaise at si Jace baka nalito kayo huh. Pasensya napo. Medyo tangemgot po tong author niyo😆😆
******
Chapter 18
VladAgad akong tumalikod kai Jace nang hindi nagpapaalam at hinabol si panot. Luminga-linga akong tumakbo habang hinahanap si panot pero kahit saang parte ako school pumunta hindi ko siya makita. Humihingal akong napapikit nang huminto ako sa pagtakbo sa may quadtrangle.
Nilibot ko na yata ang buong school pero hindi ko ito makita.
At teka? Bakit ko nga ba siya hinahanap?
Makabalik na nga lang. Umikot ako pabalik habang humihingal parin nang tumambad sa aking harapan ang taong kanina ko pa hinahanap.
I glared at the person in front of me but he just give me cold looks.
"Prof Lim wants to see us in her office." yon lang ang sinabi nito at agad na tumalikod.
Hinabol ko ito at hinawakan sa kamay. "Sandali lang. Palanghapin mo muna ako ng hangin okay? Nakakahingal maghanap sa'yo ah." sabi ko sabay hawak sa may didib. Hinihingal parin.
"Who told you to follow me?" he coldly said.
Napanganga akong tumingin dito.
"Wa-wala." uta kong sabi sabay iwas ng tingin. "Bakit daw tayo pinatawag?" tanong ko.
"Don't know." tipid nitong sabi at naunang maglakad.
Humabol naman ako rito para magkasabay kaming maglakad papunta sa office ni Prof Lim. Wala kaming imik habang naglalakad pero pasulyap sulyap ako sa kanya dahil hindi naman siya ganyan dati kapag magkasama kami. Is it because he saw me talking with Jace? Umiling ako 'wag assuming teh'.
Nasa may pinto na kami pero wala paring imik tong isa dito. Ako naman kating-kati na akong magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko.
Kumatok na siya at pinihit ang doorknob. Nakita namin na nadun si Prof Lim. Ngumiti ito sa amin at agad kaming pinaupo.
Umupo naman kami at naghihintay sa sasabihin ni Prof.
Tumingin ako kay panot pero nakatutok lamang ang atensiyon nito kai prof.
"I ask you to come here because I wanted to tell you something." sabi ni prof.
Na-curious naman ako at itinutok na lamang ang atensiyon kai Prof.
"As you can see. Malapit na ang Mr. and Ms. Ict University. 1 week from now magsisimula na yon at wala kaming makita na sasali sa section nyo kaya we decided na kayo na lamang ang magrerepresinta."
Napanganga akong tumingin kay prof. Hindi pa nag-aabsorb sa aking utak ang sinabi ni prof. Hindi pa ako nahimasmasan sa pagkagulat nang magsalita itong lalaking kasama ko.
"I decline Prof." sabi ni panot na hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako.
Nagtataka namang tumingin si Prof sa kanya. "And why is that?" tanong nito kay panot.
"We have a very important dinner on that day Prof. I can't attend." sagot nito.
Nalulungkot naman ako at gusto ko din yatang tumanggi pero wala naman akong makuhang excuse.
"Oh is that so? So, in that case we will look for another representative for Mr. ICT University." sa halip ay sabi ni Prof. Walang magawa dahil hindi naman niya mapipilit ang anak ng may-ari na umattend.
"Sorry Prof." paghingi ng paumanhin nito.
"It's okay Mr. Vlad. I understand." sabi naman ni Prof Lim.
"I can suggest one Prof if you would like." napatingin naman ako dito na nagtatanong ang mga mata.
"Who?" tanong ni Prof Lim.
"Jace Monteverde." sabi nito na nagpatanga sakin. Hindi makapaniwalang tumingin ako dito pero pagtingin ko dito nakatingin na pala ito sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"The transferee boy?" tanong ni Prof sa kanya.
"Yes Prof." sagot nito. Nakatuon parin ang atensiyon ko sa kanya. Naghihintay ng sagot.
"Okay. I will just meet this Jace guy and were good. Thanks for suggesting Mr. Vlad." pormal na sagot ni Prof.
"Your welcome Prof." sabi nito sabay tayo. "Are we done here Prof?" tanong nito pagkatapos tumayo.
Napatingala naman si Prof nang tumayo ito at tumango.
"Yes, you can go now." sagot nito sabay turo sa pinto.
Tumalikod naman agad ito at naglakad na papalabas. Tumayo na din ako at lalabas na din sana nanag pigilan ako ni Prof.
"Maiiwan ka muna Ms. Lee. May sasabihin pa ako about sa event 1 week from now."
Wala akong nagawa kundi ang umupo nalang ulit at nakinig sa sinasabi ni Prof. I glance at the door for the last time pero tuluyan ng nakalabas si panot. I sighed.
Simabi ni Prof ang gagawin at kung kailan ang rehearsal para sa event na mangyayari. Bukas daw magsisimula kaya postponed muna ang tutorial namin ni panot.
Lumipas ang ilang araw at sobrang busy ko sa pagpapractice para sa event. Halos malalim na gabi na ako makauwi dahil todo rehearsal kami. Napaexcuse na nga ako sa klase dahil magrerehearsal na naman. Namaintain ko naman ang mga lesson namin salamat sa Diyos. Minsan ko na din makita si panot kung makita ko naman ito kapag break time lang.
Simula nong nag-umpisa ang aming rehearsal, napansin kong iniiwasan ako ni panot. Dahil kapag nagtatama ang paningin namin umiiwas ito ng tingin at bumalik sa kung ano man ang ginagawa nito. Nagsimula ito nung nakita niya kaming dalawa ni Jace at sa office ni Prof Lim.
Sa ilang araw na pagiging busy ko at sa pag-iwas ni Vlad, may napagtanto ako.
Iyong hindi normal na pagtibok ng puso ko kapag nagtatama ang paningin namin ni panot at sa tuwing magkasama kaming dalawa habang tinuturuan ang isa't-isa. Akala ko nung una wala lang iyon pero simula nung iniiwasan niya ako at sa pagbibigay ng malamig na tingin nito sa akin.
Aamin kong gusto ko sya.
I like him.
I don't know when it starts but I know that I like him and I'm hurt knowing that he started avoiding me and giving me cold looks. I hate it.
Hindi ko alam kung may gusto din ba ito sa akin. Hindi ko maiwasang isipan na baka he likes me too dahil sa pinapakita at ginagawa nito na hindi ginagawa ng isang kaibigan lang.
Nasasaktan ako sa ginagawa niya ngayon at mas lalo pa akong nasaktan nang makita ko siyang kasama si Amber.
Nakaupo kasi ako dito sa may stage dahil break pa namin sa pagre-rehearse. Tanaw na tanaw ko sila dito mula sa aking inuupuan.
I felt a pang in my chest.
Napahawak ako dito dahil parang namimilipit ito sa sakit.
Damn! Why are you doing this to me Vlad?
Like lang naman kita ah. Iba na'to. Damn it.
******
A/N: Ouch! Sakin ka nalang Nix. Mamahalin kita ng wagas🥺.
Bug Out😉
BINABASA MO ANG
Glimpse Of Memories [On-going]
Teen FictionA plagma love story of Annixa May Lee and Vladimoure Cole . . . Unexpected dreams will come into realities but it will fade and will become a memories. Someone you treasure... Someone you love... And Someone who will fly like a dove. Saying goodb...