Chapter 23: Pop Corn

230 120 149
                                    

Chapter 23


"Waaah!" masayang sigaw ko pagkarating namin sa loob ng mall

Narinig ko namang tumawa itong kasama ko na para ba akong isang alien na ngayon lang nakapasok sa ganito. You can't blame me, it's been a long time since I went here. Siguro, mga 12 years old palang ako no'n. The time when we were still happy together and bonding as family.

Same place same memories.

I sighed.

Naalala ko pa no'n, todo pilit pa 'ko no'n kay mommy na bilhan ako ng popcorn kasi gusto kong ngumuya ng popcorn habang nanunuod. Tapos sasabayn ng coke at ice cream. I like eating junkfoods when I was still a kid. Hindi 'ata ako nagsasawa no'n.

Ang stall ng binilhan namin ng popcorn nuon ay nando'n parin. Nakakahanga. Si manong parin kaya ang nagtitinda?

Dali-dali kong hinila ang lalaking kanina pa tawa-tawang tumitig sa'kin, do'n sa may stall.

"Halika, bili tayo ng popcorn." sabi ko habang naglalakad at hatak-hatak itong lalaking kasama ko.

Pagdating namin do'n sa may stall, ay este ako lang pala. Huminto kasi ako sa paghatak sa kanya dahil nabibigatan na ako at habang hatak ko siya ay nagpapadala lamang ito. Nabigatan na ako kaya binitawan ko nalang at nauna ng pumunta dito.

"Bibili ka ba ng pop corn iha?" bungad sa 'kin ng hindi ko kilalang tindero. Napatanga ako at nalulungkot dahil hindi na pala si manong ang nagtitinda rito. Gusto kong magtanong pero tinabunan ako ng hiya.

Napagdesisyunan kong bumili nalang ng dalawang pop corn na large na sigurado akong kakasya sa aming dalawa.

Pagkatapos iabot sa akin ang sukli ay kinuha ko ito at maglalakad na sana patungo sa kinatatayuan ni Vlad kung saan pinanunuod niya lamang ako mula rito.

"Hinahanap mo ba ang aking ama?" nabigla ako nang magsalita itong si kuya kaya napaharap ulit ako sa kanya na nagtatanong ang mga mata.

"Kilala mo 'ko?" takang tanong ko dito habang inaayos sa pagkakahawak ang dala-dala kong popcorn. Mahuhulog na sana nang may bigla kumuha dito at siya na lang ang humawak. Napatingin ako kay Vlad pero napabalik ulit ang tingin sa aking harapan.

"Kilala kita at alam kong kilala mo ang aking ama." pagpapaliwanang nito.

Nabuhayan ako ng loob at nagbabasakaling makita ko ulit si manong.

"Palagi ka niyang ikinuwento sa akin noon. Ikaw daw iyong batang mahilig bumili sa kaniya ng popcorn kada manunuod kayo ng sine. Nakikita niya raw ang saya sa iyong mga mata sa tuwing pumupunta kayo dito at bumibili ng popcorn kasama ang iyong pamilya. Tuwang-tuwa siya sa iyo kasi kahit sa ganito lang ay nasisiyahan ka na. Pero, nalungkot si papa dahil nakita ka niyang mag-isa na may lungkot sa mga mata. Binigyan ka raw niya ng popcorn ng libre para pumaskil ulit ang ngiti sa iyong labi." mahabang sabi nito habang may lungkot sa mga labi pero alam kong hindi ito dahil sa istoryang kanyang ikinuwento.

"Gusto ko sana siyang pasalamatan, ilang taon na nang huli ko siyang makita." ang huling pakikita kasi namin ay 'yong binigyan n'ya ako ng pop corn at pagkatapos no'n ay hindi ko na ulit nakita si manong.

"Gusto ko din sana na magkita kayo ulit ngunit hindi na maaari." nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala na po siya. Kamamatay lang niya no'ng isang taon." nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi

Nakakalungkot dahil sa huling pagkakataon ay hindi ako hinayang makita siyang muli at mapasalamatan man lang. Humingi ako ng pasensiya at at nakiusap na sana ay ibigay ang lugar kung saan siya inilibingm agad naman itong tumango at ibinigay sa'kin. Nagpasalamat kami dito at pumasok na sa loob ng sinehan.

Glimpse Of Memories [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon