Chapter 12: Tutor

295 170 56
                                    


A/N: Happy 1k reads mga ka-madalang pips!!🎉🎉🎉. Dahil dyan maga-update ako ng tuloy-tuloy ngayon. Keep on supporting me. XOXO. Maraming salamat po talaga sa sumusuporta nito huhu. I try my best to finish this habang hindi pa natatapos ang taon. But anyways eto na chapter 12.

Enjoy reading.😘

******

Chapter 12

Annixa's POV

Nandito ako sa kwarto ngayon at umuulan na naman. Nag-iisip kasi ako kung paano ko tuturuan si panot. Hindi pa naman ako sanay na mag-tutor.

Kumuha ako ng notebooks at isinulat kung ano ang uunahin kong ituturo sa kanya.

"Okay na siguro to." Napabuntong hininga na lang ako,"Sa basic muna tayo." Napangiwi ako sa sarili,"Basic? Parang pang elementary naman." I said while laying on my bed.

Kinuha ko ang ko ang aking phone at nagscroll-scroll muna sa social media. Naisipan kong ichat si Aya at Ellaise.

Annixa Lee
Girlsss! Help!
Sent 9:33 pm

Ellaise Den Moore
Bakit? Anyare?
Sent 9:34 pm

Aya De Guzman
Nu problema girl?
Sent 9:35 pm

Annixa Lee
Pa'no ba magtutor?
Sent 9:35 pm

Lumabas muna ako sa kwarto para uminom ng tubig sa baba. Pagkarating ko sa kusina ay dumiretso kaagad ako sa ref. Kumuha muna ako ng baso at nilagyan ng tubig.

I washed and put it back at the cabinet. I am at the first edge of the stair case when my phone beep.

Ellaise Den Moore
Bakit bes? Sino itu-tutor mo?
Sent 9:36 pm

Aya De Guzman
Oo nga?
Sent 9:36 pm

Annixa Lee
Si panot mga bes!
Sent 9:37 pm

Ellaise Den Moore
Sinong panot?
Sent 9:38 pm

Aya De Guzma
So Vlad bes? Hahaha Pano nangyari yun?
Sent 9:37 pm

Annixa Lee
Diba kanina tinawag ako ni Prof Lim. Tapos nakita ko si panot dun. She told us to tutor each other. I will teach him in math and he will teach me in history. That's the deal. Pretty ridiculous right?
Sent 9:39 pm

Aya De Guzma
Hahaha godluck bes!
Sent 9:39 pm

Umupo ako sa kama at kinuha at remote ng tv. Manonood muna ako ng miraculous. Isa itong animated series na nagmula sa France pero may english dub naman kaya hindi ka mahihirapang intindihin. Sobrang adik ako rito kasi tungkol kasi ito sa dalawang superhero ng Paris. Nakatago ang identity nila sa mask nilang may mahika. Hindi ito basta-bastang natatanggal kasi magical nga. Dahil ito sa suot nilang miraculous.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag beep ito.

Ellaise Den Moore
Shemay! Vlad as in Vladimoure Cole? The son of the school owner? Like what the fudge. Haha.
Sent 9:41 pm

Annixa Lee
Yeah! My mind will going to explode na girls. 'Di ko alam pa'no magtutor.
Sent 9:41 pm

Aya De Guzman
Kaya mo 'yan bes. Magaling ka naman sa math eh.
Sent 9:42 pm

Ellaise Den Moore
Yeah girl. We will support you nalang. Hahaha.
Sent 9:42 pm

Annixa Lee
Wala kayong kwenta. Hmp. Bye na nga.
Sent 9:43 pm

Glimpse Of Memories [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon