Chapter 14: Sad Soul

352 205 186
                                    

Dedicated to haciandro and white_villain


A/N: Sorry for the long wait. Here is the chapter 14. Enjoy

******

Chapter 14

Shook!

I can feel my cheeks burning. I can't move. Parang napako yata ang paa ko. It was my first kiss and worse panot is my first kiss! Para akong tuod na nakatayo lamang dito. Mabuti na lang at walang tao at kung may makakita nito siguradong dudumugin ako ng mga fans nito.

Ilang minuto pa ang nakalipas at sa wakas he break the distance between us.

Nakaawang parin ang labi ko at 'di makapaniwalang tumitig sa kanya. I'm confuse and at the same time shocked. He stared at me intently and after that he walked away without saying anything.

Doon ko lang pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan. Bumuga akong ng hangin at wala sa sariling napahawak sa labi.

What was that?

Kahit litong lito ay nagawa ko paring maglakad papunta sa aking next subject. Hindi yata mawala wala sa isip ko ang nangyari kanina hanggang uwian. Para tuloy akong shunga na tulalang naglalakad dito sa hallway.

"Beeeeeeees?!" Napatigil ako sa paglalakad nang may sumigaw. Si Aya. Kanina pa pala ako nito tinatawag.

Nabigla naman ako ng pekeng umiiyak ito,"Huhuhu bes, bingi ka na ba bes? Okay lang 'yan nandito naman ako." Pinapat-pat pa nito ang likod ko kunwari. "Tuturuan nalang kita ng sign language." Humihikbi pa ito kunwari at umaaktong nagsa-sign language.

Parang engot. Natatawa kasi ako sa itsura nito. Pumipikit pikit pa habang umiiyak kunwari. Muntanga. Pfft.

"Gagi." Tawang-tawang sabi ko,"muntanga lang bes. Para kang baliw sa ginagawa mo."

"Gumaling ka na bes? Waaahh," hinawakan pa nito ang mukha ko at pinaharap sa kanya sabay sigaw. "May himala!"

"Ang tanga mo talaga." Sabi ko sabay batok sa kanya.

"Aray naman bes makabatok ah. Bali buto ko." Hinawakan pa nito ang likod ng ulo.

"Ang oa nito." Natatawa kong sambit.

"Ano ba iniisip mo ? Kanina pa kaya kita tinatawag." Pinaikot nito ang mata.

Namula naman ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina.

"Ba't ka namumula?" Sabi nito at natigilan.

"Teka? May nangyari ba na hindi ko alam?" She eyed me curiously.

"A-no? Wa-wala ah." Utal kong sabi.

"Hay naku bes! Kunwari ka pa eh."

"Wala nga." Sabi ko sabay talikod. Umiiwas, "Uuwi na nga ako."

Akmang tatalikod na nang hinawakan ako nito sa pulsuhan at pinanliitan ako ng mata.

"Magsabi ka ng totoo." Banta nitong sabi.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Wala nga. Pagod lang ako. Ang dami kasing ginawa kanina, okay?" Tinitigan ko pa ito at di pinahalatang nagsisinungaling. Alam kong 'di ako titigilan nito.

"Wehh?"

"Oo nga."

"Okay." Sabi nito sabay ngiti. I sigh in relief. Salamat naman at naniwala.

Glimpse Of Memories [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon