Chapter 32

69 9 3
                                    


Annixa's POV

Visiting this place makes me miss this more. Nandito kami ngayon sa paaralan na pinasukan namin noon. Panot and I decided to visit this place one last time because this school remind us of our love story. Dito sa lugar na ito nangyari ang una naming pagbabangayan. Hindi man maganda ang una naming pagkikita pero tingnan mo ngayon, we end up with each other.

Thinking about panot's condition right now makes my heart ache. I'm so afraid on the possibilities that anytime God will take Panot away from me. I can't bare to see his death. Even though he is not my first love but but he is my one great love. That's why I keep on praying to God not to take him away from me.

Hindi ko napansin na may tulong ilang butil ng luha mula sa aking mga mata. Dali-dali ko itong pinunasan nang makita ko si Panot na lilingon dito sa direksyon ko. Awtomatiko akong ngumit nang mapaharap ito sa akin.

"What are you thinking?" he said as he intertwined our hands. He kissed my forehead afterwards.

Umiling ako saka nagsalita, "Wala, iniisip ko lang ang mga moments natin dito together," pagpapalusot ko, which is partly true. Ngumiti ito saka ako hinila papasok ng gate. Nakakapagtaka kung bakit bukas ito eh, wala naman ibang tao maliban sa amin. Pati ang guard wala din.

Bago kami tuluyang makapasok hinila ko ito pabalik, "Teka? Ba't bukas ang gate? Di'ba, nakasarado ito kanina?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Tumawa lang ito saka ako hinila ulit papasok.

"I have a key, obviously." He just shrugged.

"Bakit may susi ka?" Bigla nitong pinitik ang noo ko. Hindi ako nakapaghanda kaya naman  sinuntok ko ito pero mahina lang.

"Ang sakit ah. Eh, bakit nga?"

Nag-pogi sign ito saka nag-isip, "Hmm, dahil...hiniram ko?" Blangko ko lamang siyang tiningan.

"Ha-ha. So funny, really." I rolled my eyes. "Diyan ka na nga," pikon kong sabi.

"Come on. Pikon ka na n 'yan?" Tumawa pa ito na mas lalo kong kinainis.

Naging mabilis ang lakad ko nang makita ko itong tumatakbo papunta sa direksiyon ko. Ngunit, sadyang mahahaba ang mga paa niya kumpara sa akin kaya nahuli niya ako at kinulong sa mga bisig niya.

"Nakalimutan mo na ba na kami ang may-ari ng school na 'to?" Pinitik nito ang noo ko. Nakakadalawa na to ah?

Doon ko lang napagtanto ang mga sinabi niya. Bakit ko nga ba nakalimutan 'yon? Nagkibit-balikat na lamang ako saka tuluyang naglakad papasok sa loob. Maraming nagbago sa lugar na ito. Kung noon wala pang masiyadong mga puno at bulaklak na nakatanim, ngayon halos mukha na siyang garden dahil sa dami ng bulaklak at puno. Para tuloy kaming naglalakad patungo sa palasyo. Natawa ako sa iniisip ko.

"Oh! Ang paboritong tambayan natin oh. Ang galing! Buhay pa pala tong puno na 'to?" Turo nito sa puno na tinatambayan namin dati. Pinagmasdan ko lamang ito na parang batang namamangha sa nakikita.

Lumapit ako sa puwesto nito. Nakaupo kasi ito sa malaking ugat ng puno kaya ginaya ko rin ang posisyon nito.

"Oo nga eh. Akalain mo' yon? Tibay din nito." Tumawa pa ako.

"Alam mo bang..." kapagkuwa'y sabi nito. "Itong puno na 'to ang simbolo ng pagmamahalan natin?" He smiled.

Nagtataka ko itong tiningnan. "Bakit mo naman nasabi iyan? Alam mo, pauso ka rin eh," biro kong sabi sabay kuha sa kamay nito tsaka inakbay sa akin.

"Tch. Seryoso kasi," kunwari nagtatampo nitong sabi.

Tumawa ako, "Oo na. Oo na. Eh bakit nga?

"Wala lang. Sa tuwing nakikita ko kasi ang punong 'to, ikaw ang naaalala ko."

Kinagat ko ang labi upang pigilan ang kilig na nararamdaman. Ang tanda ko na pero para parin akong bata kung umasta.

"Corny. Bola pa more." I tried to joke to hide what I feel.

"Tss. 'Di bola' yon. Totoo kasi. Kaya no'ng araw na sinaktan kita, palagi akong pumupunta dito. Iniisip ko ikaw 'yong puno na hindi galit at hindi ako kinamumuhian," puno ng kalungkutan na sabi nito.

I sighed, "No'ng araw din na 'yon, hindi na ulit ako tumambay dito. Naalala ko kasi 'yong sakit pero..." Tumitig ako dito, "nakaraan na' yon kaya wala na sa'kin 'yon."

"Hindi ko alam kung ilang sorry pa ang kailangan kong sabihin upang makabawi sa'yo. Ngunit, 'wag kang mag-alala, araw-araw akong hihingi ng tawag sa'yo at sabihing nahal na mahal kita, Nix. At kung dumating man ang araw ng pagkawala ko dito sa mundong ito, promise me one thing," he said while holding my hands. Gusto kong marining ang susunod niyang sasbaihin ngunit may parte sa akin na ayaw dahil alam kong hindi ko magugustuhan ang sasabihin nito sa akin.

"Promise me--" I cut him off.

"Kung ano man ang sasabihin mo, ayokong marinig 'yan. Kahit ano pang sabihin mo, hinding-hindi ko gagawin 'yon, Vlad. At saka, wag mong sabihin na mawawala ka, gagaling ka Panot. Naiintindihan mo? Kung mawawala ka mas mabuti na rin na mawala ako kasi hindi ko kayang mabuhay ng wala ka sa tabi ko." Napapikit ako dahil sa nagbabadyang luha. Ang sakit isipin na ginagawa sa amin ito ng tadhana. Bakit gano'n? Hindi man lang ba kami bibigyan ng pagkakataon?

Hinawakan nito ang kamay ko at siya mismi ang nagpahid ng mga luha ko, "Don't say that. 'Wag mong sayangin ang buhay mo para sa'kin. Gusto kong magmahal ka ng iba kapag sa oras na mawala na ako. You deserve to be happy, Nix. Ayokong damdamin mo habang buhay ang pagkawala ko. This is life, Nix. Wala ng oag-asa tong sakit ko. Matagal ko na ring tanggap na ito ang tadhana ko pero ikaw? Marami ka pang dapat gawin." Umiling-iling ako.

"How can I be happy if the one that I love will be gone? I can't imagine myself loving someone other than you, Vlad. You're my one and only greatest love," maluha-luha kong sabi. Tiningnan ko ito at hindi maiwasang mainsulto nang makita ko itong nakangiti ng pilyo. Napatigil tuloy ang pag-iyak ko.

"Are you seriously kidding me right now?" asar kong sabi dito ngunit nanatili parin itong nakangisi.

"Ang seryoso ng usapin natin tapos bigla kang tatawa ng ganyan? Baliw. Diyan ka na nga. Che!" Tsaka ako nagwalk-out. Pambihira talaga siya. Panira ng moment. Bakit din ba napunta do'n ang pinag-uusapan namin? Nang dahil to sa puno eh. Kainis.

"Woy! Hahaha! Nakakatawa ka talaga, Nerd. Pikonin ka parin," tawa-tawa nitong sabi habang asar lang akong tumingin sa kaniya. Napipikon na.

"Ewan ko sa'yo. Umuwi na nga tayo," biro ko. Nataranta naman kaagad ito. Akala siguro seryoso ako sa sinabing uuwi na kami. Ayan ang napala mo.

"Teka, eto naman. Sorry na. Natatawa kasi ako sa sinabi mo eh."

"Ano?! Anong nakakatawa do'n? Nasisiyahan ka pang sinabi ko na ikaw ang greatest love ko? Nakakainsulto ka na ah." Totoong naiinis na talaga ako. Ang walanghiya, tinawanan pa talaga ang confession ko. Oo, confession 'yon at tinawanan lang niya. Galeng!

"Ang seryoso kasi ng usapan natin tapos bigla kang babanat ng gano'n. Nakakatawa na nakakagulat lang. Ikaw naman. Nagtatampo naman agad ang mahal ko," panlalambing na sabi nito. At, ano raw? M-mahal k-ko? Nag-init yata ang pisngi ko. Baliw na talaga siya.

"Oy! Namumula siya. Ibig sabihin, kinikilig ka." Humalakhak pa ito. Tuwang-tuwa pa talaga siya ah? "Ikaw din kaya ang greatest love ko. Oh, ayan, tabla na tayo ah."

"Salamat ah?" sarcastic kong sabi, "Ang sweet mo naman halatang napipilitan."

Humalakhak ito tsaka ako inakbayan, "Totoo nga. Ikaw ah, you're taking me as a joke."

"Tss, stop na nga. Tama na ang bola. Baka hinahanap na tayo ng mama mo," saway ko rito.

I hope this will last forever...

To be continued~

Glimpse Of Memories [On-going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon