Chapter 18

393 6 0
                                    

Chapter 18:

Ianne's POV

"Mommy~ andito na kami~" sigaw nila pagkapasok namin ng bahay nila. Sino yung sumisigaw? Sino pa ba, edi yung kambal kong mga pinsan! Kararating lang namin dito galing campus. Sabado kasi ngayon at may NSTP kami kaya yun. Buti na lang at tatlong oras lang ang NSTP namin kaya maaga kaming nakakauwi. Magkaka-klase kaming tatlo kapag sabado kaya ngayon, diretso ako sa bahay nila.

Maya-maya rin ay lumabas si tita Beth galing sa kusina kasama si...

"Daddy!" sabay takbo at yakap nila kay tito Nilo, ang daddy nila Allianah at Alliyah.

Naglakad ako papunta sa direksyon ni tito Nilo pagkatapos ay nagmano ako.

"hello po tito, kumusta?" wew! Kinakabahan pa ko niyan ah! Hindi kasi kami close ni tito Nilo at tsaka natatakot kasi ako sa kanya tulad ng pagkatakot ko kay tito Romeo, ang daddy naman ni Maan.

"natatakot ka ba sakin? ha? Ianne?" waahh.. pati pananalita niya... nakakatakot!

"a-ah... hehehe..." wala akong masabi!

"daddy! Mabuti at naisipan mong mag-absent sa trabaho mo!" Allianah.

"oo nga dad! Miss ka na namin!" Alliyah.

"di ko kasi matiis na di makita ang mga prinsesa ko.." nakangiting wika ni tito Nilo. Lagi kasing nasa trabaho si tito Nilo at kung umuwi naman siya ay gabing-gabi na. Kung pumasok naman sa trabaho eh sobrang aga kaya di na siya naaabutan nila Allianah at Alliyah.

"o tama na muna yan, kumain muna kayo at mamaya ay aalis tayo. Sumama ka Ianne ha?" h-ha? Pati ako?

"pati po ako? Kasama?"

"oo naman, pati ikaw" sabi ni tita Beth habang naglalakad kami papuntang dining room.

Pagkarating namin sa dining room, nakahanda na yung mga pagkain. Umupo na kami at nagdasal pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain kami ay nagkekwentuhan sila samantalang ako, nananatiling tahimik. Wala naman akong sasabihin o ikekwento kay tito Nilo eh.

"Ianne, kumusta ka na?" nagulat naman ako nang bigla akong tanungin ni tito Nilo.

"o-okay naman po.."

"wag ka ngang matakot sakin. Di naman ako nangangain eh" nakangiting tugon ni tito Nilo.

"oo nga Ianne, ang panget mo pag kinakabahan ka! Wahahahaha!" kahit kailan talaga tong si Alliyah. Lagi akong inaasar!!

"Ginelle! Ang bunganga mo, may laman pa" ayan! buti nga! Ginelle ang tawag ni tito Nilo kay Alliyah at Giselle naman kay Allianah.

"bilisan na nga natin at nang makagala tayo" singit naman ni tita Beth.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa kwarto ni Alliyah. Yung mga katulong nila ang mag-aayos ng pinagkainan namin.

"Ito na lang kaya suot ko?" sabay pakita ni Alliyah samin ng pink na dress.

"wag yan twinny! Sobrang ikli! Pamigay mo na nga yan"

"okay. Ianne gusto mo?" sabay offer niya sakin ng pink na dress.

"ayoko. Salamat na lang" with matching hand gestures pa yan na parang sinasabi ko na 'ayaw ko'. Sobrang ikli kasi.

"eto na lang kaya?" sabay pakita niya ng baby blue dress na 1 inch above the knee.

"yan! okay na yan!"

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon