Chapter 28

285 8 1
                                    

Chapter 28:

Ianne's POV

"ma, uuwi na ba tayo?" humarap sakin si mama tsaka ngumiti.

"oo anak. Uuwi na tayo"

"pero ma, gusto ko pang makalaro sila Allianah.." malungkot kong tugon.

"di bale anak, magbabakasyon ulit tayo dito sa Maynila sa susunod" lumiwanag ang mukha ko sa sinabi ni mama.

"talaga ma? Yehey! I love you!" sabay yakap at kiss ko kay mama.

"o anong drama yan?" nakangiting salubong samin ni papa. Kasama niya si kuya Enzo.

"Jerome, andito na pala kayo. Ito kasing prinsesa natin ayaw pa atang umuwi. Gusto pang makipaglaro sa kambal..." tatawa-tawang sabi ni mama.

"ahh.. ganun ba.. May susunod pa naman anak eh.. Wag kang mag-alala" sabi ni papa tapos ay nginitian niya ako.

"o siya Glaiza, puntahan na natin sila Beth at magpaalam na tayo" pagkatapos ay naglakad na kami papuntang sala ng bahay nila tita Beth.

"Beth, babalik na kaming probinsya" paalam ni papa.

"ha? Pwede pa naman kayong mag-stay dito"

"di na ate Beth. Malapit na rin kasi ang pasukan" sabi ni mama.

"oo nga eh.. mag-gegrade two na si Shan-shan at mag-grade four na si Ren-ren" dagdag naman ni papa.

"ganun ba? Naku! malalaki na ang mga pamangkin ko. Haayy.. panigurado mami-miss sila ng kambal. Teka, Nilo! Tawagin mo nga yung kambal"

"Ginelle! Giselle! Uuwi na sila Ianne!" sigaw naman ni tito Nilo. Maya-maya rin ay patakbong bumababa ng hagdan ang kambal.

"Ianne!" sabay yakap nila sakin.

"mami-miss kita" Allianah.

"ako rin. Babalik kayo dito ha?" Alliyah.

"oo naman hahaha!" parang timang kong sabi.

"ako ba? Di niyo mami-miss?" napatingin kami kay kuya Enzo. Pumunta kami sa pwesto niya.

"mami-miss siyempre!" Allianah.

"ikaw kaya ang astig naming kuya!" Alliyah.

"group hug tayo!" saad ni kuya. Kaya nag-group hug kami.

"GROUP HUG~" sabay-sabay naming sabi.

"o siya tama na yan. Magkikita pa naman kayo. Magga-gabi na. Alis na tayo mga anak" sabi ni mama.

"sige, ingat na lang sa inyo. Kuya Jerome, ingatan mo ang mag-iina mo" sabi ni tita Beth.

"oo naman. Sige, alis na kami"

"buh-bye~"

Pagkatapos namin magpaalam ay umalis na rin kami. Haayy.. mami-miss ko sila.

***

"mama! Anong nangyayari?!?" natatakot kong tanong. Naghihiyawan at nag-iiyakan na ang mga pasahero sa bus. Pati kami ni kuya umiiyak na rin.

"wag kang matakot anak. Nandito lang kami ng papa mo" umiiyak na sabi ni mama. Gumegewang ang sinasakyang bus namin dito sa probinsya.

"mama~ papa~" ngawa ko.

"ssshh .. anak.. magiging maayos din ang lahat" pag-aalo sakin ni mama.

"papa~ papa~" ngawa ni kuya. Inaalo naman siya ni papa. Umiiyak na kaming lahat dito. Natatakot. Natatakot sa maaaring kahinatnan namin. Natatakot ako... Natatakot ako...

"aaahh!"

"mahuhulog tayo sa bangin! Aaaaahhh!" Lalong lumakas ang sigawan at iyakan ng mga tao at ganun rin kami. Ayoko na! Natatakot na ko!

"mama~ papa~ huhuhu~" lalong lumakas ang iyak namin ni kuya. Niyakap na ni papa si Kuya at ganun din si mama sakin. Nagyakapan kaming apat hanggang sa..

"AAAAHHHH!"

"AAAAAHHHHH!"

Nagsimula nang mahulog sa bangin ang sinasakyan naming bus.

"GLAIZA!" sigaw ni papa.

"MAMA!" sigaw namin ni kuya. Napabitaw si mama samin.

"JEROME! IANNE! ENZO! AAAAHHH!"

"Mama~ mama~" ngawa namin ni kuya. Hindi namin alam kung saan parte na kami ng bus napunta basta ang alam ko lang, gumugulong ang bus.

"papa~ si mama~" iyak ni kuya.

"alam ko Ren-ren. Alam ko..." sabi ni papa habang umiiyak. Wala na si mama. Di ko siya makita.

Gumugulong lang pababa ang bus hanggang sa tumigil din ito. Tumilapon na naman kami sa isang parte ng bus na sana ay hindi na lang dahil..

"PAPA!" sabay na sigaw namin ni kuya.

"Ren... Shan..." s-si papa! N-natusok siya sa isang bagay na matulis at tumagos ito sa tyan niya! S-si papa...

"PAPA!" sigaw ko.

"R-ren.. i-ipangako mo.. sakin na.. a-a-lagaan mo s-s-si S-Shan.." sabi ni papa na parang nahihirapan nang huminga. Tumango na lang si kuya.

"S-Shan.. magpakaba--- bait ka ha?" tumango lang rin ako.

"papa, wag mo kaming iwan..." pagsusumamo ko. Maya-maya pa'y parang may babae na gumagapang na lumalapit samin. Nang makalapit na siya..

"MAMA!" sigaw namin ni kuya.

"J-Jerome... Enzo.. Ianne.." niyakap namin si mama.

"h-hindi ko na k-kaya..." sabi pa ni mama. Iyak lang kami ng iyak ni kuya.

"i-ipangako niyo samin ng papa niyo m-magtatapos kayo n-ng pag-a... aral.." tumango lang kami ni kuya bilang sagot.

Ngumiti si mama samin at sinabing.. "mahal na mahal namin kayo ng papa niyo" pagkatapos ay pumikit na siya. NO! HINDI PWEDE! DI PWEDENG MAMATAY SI MAMA!

Humagulgol kami ng iyak ni kuya. Maya-maya rin ay tumingin kami kay papa.

"mga anak.. t-tandaan niyo... mahal na.. mahal namin kayo. K-kahit wala na k-kami sa tabi niyo... L-lagi niyong tatandaan na.. binabantayan namin kayo. T-tumingin lang kayo sa mga... bi... tuin... T-tandaan niyo yan" ngumiti si papa pagkatapos ay pumikit na rin. HINDI! DI PWEDE TO! WALA NA NGA SI MAMA TAPOS PATI SIYA MAWAWALA RIN?! DI TO PWEDE!

Umiiyak ako habang niyuyugyog ang katawan ni papa at ni mama. Pero wala ehh.. Wala na talaga sila...

Niyakap ako ni kuya ng mahigpit habang umiiyak kami. Paano na kami? Sino mag-aalaga samin? Paano kami mabubuhay?

Mama... Papa...

"MAMA! PAPA!"

Bigla akong nagmulat ng mga mata at napabangon. H-huh?

Panaginip.

Isang masamang panaginip.

Napahawak ako sa pisngi ko kasi parang may likido na nakadampi sa pisngi ko. Nang mahawakan ko ang likidong ito.. T-teka? Luha? U-umiiyak ako?

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon