Chapter 43

323 8 3
                                    

Chapter 43:

Ianne's POV

"sabi sa inyo, sila na eh"

"oh my god! I can't take it!"

"bakit si Ianne pa!"

"i-it... really hurts!"

"di ko matanggap na sila na! Waaahh! I can't take it anymore!"

Geez! Ang ingay! May natutulog pa oh! Pero teka, nangangalay yung leeg ko. Parang may... parang may nakapatong sa ulo ko.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at...

ANG DAMING TAO!

Napatingin ako sa naka-crossed fingers naming kamay. Wait! Ano ulit yung sinabi ko? Crossed-fingers? Namin? K-kamay?

Ngayon ko lang na-realize na...

KATABI KO SI XANDRE!

Nakatulog pala kami dito sa tabi ng pinto. Nakaupo pa kami. Nakapatong yung ulo ko sa balikat niya tapos yung ulo naman niya nakapatong sa ulo ko. Tapos yung kamay namin, naka-crossed fingers.

Oh my gosh! Bakit parang kinikilig ako?

"X-Xandre..." sabi ko habang bahagyang ginagalaw ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

"mmm..." rinig kong sabi ni Xandre. Napatingin ako sa mga taong nakapalibot samin at talagang nahihiya na ako!

"gising na... nangangalay na ko oh!" sabi ko. Medyo nangangalay na rin kasi yung leeg ko. Sana maigalaw ko pa yung leeg kong to.

Dinilat niya ang kanyang mga mata pagkatapos ay inangat niya na rin ang ulo niya. Tumayo na siya kaya napatayo na rin ako. Remember, hawak niya kamay ko.

"What are you looking at?" cold na na sabi ni Xandre sa nakapaligid sa amin. Tumungo na lang ang mga ito. Grabe ah! Dahil lang sa mga salitang yun, mapapa-tungo sila ni Xandre? Nabilib naman ako dun... ng konti.

Hinila na ako ni Xandre palabas ng library. Buti naman. Makakaiwas na rin ako sa mga masasamang tingin ng mga taong yun.

Dumiretso kami sa parking lot at hinanap ang kotse niyang walang bubong. Nang makita na namin ang kotse niya, binitawan na niya ang kamay ko at binuksan ang kotse niya. Umikot siya papuntang driver's seat. Siyempre sa front seat ako sumakay. Baka sigawan ako niyan kapag sa backseat ako sumakay. Sabihin pa niya na ginawa ko siyang driver ko.

Pinaandar niya na ang kotse at tsaka niya pinaharurot. Alam niyo yung feeling na gusto ka niyang takutin pero di ka naman natatakot? Ganun yung feeling ko ngayon eh. Feeling ko gusto akong takutin ni Xandre sa pamamagitan ng pagharurot niya ng mabilis sa kotse niya but sad to say, di ako natatakot. Sobrang bilis na kasi ng takbo namin pero eto ako, nananatiling kalmado. Minsan napapatingin siya sakin na parang gustong sabihin na 'di ka ba natatakot?'. Well, dinidedma ko na lang siya. Hindi ako katulad ng iba na halos mag-hallucinate na dahil lang sa ganito. As if naman na matatakot ako. Sanay ako sa mabibilis na bagay noon pa man. Sanay na sanay.

Nakarating na rin kami sa condo ni Xandre. Oo nga pala, bumalik na nga pala kami dito sa condo niya two days ago.

Dumiretso na ako sa kwarto ko pagkapasok namin ng condo niya. Matutulog ulit ako. Inaantok pa ko eh. Mamaya na lang ako maglilinis ng sarili ko.

*Yaaaaawwwwnnnn*

Makatulog na nga!

Xandre's POV

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon